RTADP Chapter - 43

600 27 1
                                    

RTADP Chapter - 43

(Clyde's POV)

Asan kana uhugin?

Asan kana?

Pano ko ba mahahanap si uhugin kung paikot-ikot nalang ako dito.
Kelangan ko nang bilisan halos magkakalahating oras na ako dito.

Tapos lagi pa akong nabibiktima ng traps ni tanda. Bwisit! Asar na asar nako!
Ilang beses na ako nahulog sa patibong nya buti nalang kamo macho ako kaya naakyat ko.
Yung mga kung ano-anong nahuhulog mula taas, badtrip lagi akong nadadaganan pero ayos lang sisiw lang yan sakin. Ang nakakainis lang talaga eh itong paghahanap kila uhugin.





"Mmmmmmm! Mmmmmmmm ! " Natigil ako sa paglalakad ng me mga ungol akong marinig. Possible kayang?



Dali-dali kong sinundan yung tunog.
Sa may bandang kanan yun sigurado ako.

Kaya lang papunta palang ako nang me makita akong ninja ni tanda na nagbabantay.
Sht! Balian ko kaya to ng buto. Bugbugin ko nalang kaya para mas madali kaya lang alam kong hindi lang sya mag isa. Kaya asar!


Alam ko na,
Bumali ako ng sanga dun sa halamang pinagtataguan ko. Sana naman effective to.

Tinapon ko to doon sa kabilang daan. Mabuti nalang at malakas yung pagkahagis ko. At mukhang narinig naman nung uto-utong ninja. Nung umalis sya ay agad akong pumasok dun sa kanan.

Tama nga ako, me isang babaeng nakaupo sa sahig.
Agad ko syang pinuntahan. Teka hindi naman to si uhugin ah. Psh!
Inalis ko yung piring at ductape nya sa bibig.
Saka ako naglakad palayo.
Kailangan ko pang hanapin si uhugin.



"Hoy teka! Teka lang clyde" nilingon ko naman sya

"Kalagan mo na ako!" Utos nito sakin na ikinarindi ko. Ako! Inuutusan ng kung sino. Tumalikod ako at muling naglakad, kalma lang clyde hahanapin mo pa si uhugin, Tama-tama.

"WALANGYA KA! SISIGAW AKO PARA MAHULI KA KUNG DI MO AKO KAKALAGAN. WAAAAAH" napatakbo ako pabalik ng nagingay yung babae. Badtrip talaga.

"Ano bang problema mong babae ka"

"Ikaw! Ba't mo ako iiwan eh nakita mo na ako. Ako na yung iligtas mo kaya kalagan mo na ako!" Matapang nitong pahayag

"Ayoko"

"Edi sisigaw ako. WAAAAA--akk" Talaga nama! Nakakainis na tong babaeng to!

Tinakpan ko yung bibig nya.

"Aray! Bwisit! Ba't ka ba nangangagat" kaya lang kinagat ako ng babaeng to. Sht!

"Isasama mo ako o sisigaw ako?"




Wala nadin akong nagawa.
Kinalagan ko yung paa niya

"Hoy! Pati kamay ko" reklamo nya
Pero di ko sya nilingon at patuloy lang ako sa paglalakad.

"Suplado" yun yung huli nyang sinabi saka sya nanahimik.
Salamat naman at natahimik na ang nakakarindi nyang bibig.

Nagpatuloy kami sa paglalakad.
Uhugin nasan kana kasi?

(Stacy's POV)

Napaka!
Asar tong supladong to!

Una, ayaw nya pang lumabas sa maze
Pangalawa, ang sungit nya sakin

"Tabi dyan!" Sabay tulak niya sakin

*booogsh*

"Oy suplado okay ka lang?" Bumangon ako mula sa pagkatulak nya sakin kaya lang nahulugan sya ng baging na me mga tinik. Buhay pa kaya tong taong to.

Revenge To a Dota PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon