RTADP Chapter - 47

593 23 5
                                    

RTADP Chapter - 47

(Min's POV)

After long hours nakarating din kami sa private resthouse na sinasabi ni Yuki. Maganda yung resthouse pero what makes it more special is, nasa may talampas ito. Kaya from here, kita mo yung buong lugar. Medyo malayo ito sa city at may katabing dagat. It seems that nasa dulo na kami ng Pilipinas and the view from here is very amazing.

Mas lalo pa akong namangha nang pumasok kami sa bahay. Ngayon lang ako nakapasok sa bahay na halos puro gawa sa salamin ang muwebles. Mas lalo pa akong namangha nang malibot ko yung buong lugar, and my favorite part was the viranda. Kasi mula dito kita mo yung dagat at yung ibaba ng lugar. Nakakalula pero ang saya sigurong magzipline pababa sa lugar na to. Bwahaha.

"Sir Yuki, bilin po ni madam na dalhin ko po kayo sa entertainment room pagdating na pagdating ninyo" rinig kong sabi nung isang mukhang ninja ni Aunt Cecilia.  And with that, lahat kami sumunod kay Yuki.

Dinala kami sa isang---What? Eto yung entertainment room?
Eh mukha natong sinehan sa laki ng flatscreen na TV na nasa harap namin plus that large speakers tapos kung ano-ano pang mga gamers item dito.

Manghang-mangha ako pero parang wala lang sa kanila ang mga nakikita ko kaya di ko nalang pinahalata na sobrang bilib ako sa bahay na to. To think na resthouse palang pala ito. Umupo ako kasama ng iba , syempre katabi ko si Bakulaw na kanina pa tahimik. Ewan ko dyan, simula nung bumaba kami sa van di na nagsalita. Naka-vibrate mode ata. Di ako kinakausap kaya di ko rin kinakausap. Tss. Bipolar talaga.

"Ano na naman kaya ang pakulo ni Aunt this time" Violet

"Ewan ko pero mukhang di naman ata nakakakaba tong mga nangyayari" Nami

Tama. Casual lang naman ang mga pangyayari. Nakarating kami ng maayos sa resthouse. Nagayos kami tapos pinapunta kami dito. Okay naman.

"Girls, relax lang kayo. Diba sabi ni Aunt kukunin na natin yung premyo natin sa game" tuwang-tuwa na pahayag ni Jiro

Habang naguusap-usap naman sila tulog na naman tong katabi ko.
Pagod siguro kaya ganto to. Tapos si kuyang ninja naman ay nasa may higanteng TV at may kung anong sine-set up hanggang sa maya-maya pa ay bumukas yung tv at bumungad samin ang mukha ni Aunt Cecilia.

"Wala man lamang ba ang babati sa Aunt Cecilia nyo?" Mataray nitong pahayag, napatigil kasi kami at napatingin sa higanteng mukha ni Aunt na nakaflash ngayon sa TV screen.

"Sorry po Aunt, nagulat lang kami. Hello po" bati ni Nami

"Hello Yumi, hija" nakangiti namang tugon ni Aunt Cecilia

Maging kaming lahat at bumati din sa kanya na ikinatuwa naman nito.

"Mga apo, kasalukuyang nasa byahe na ang inyong Aunt. My plan was to stay with you until makarating tayo dyan sa resthouse ko sa Ilocos but, some of my meeting schedules was moved so kinailangan kong umalis agad. So si Paul na ang bahala sa inyo, and please enjoy your last day of vacation in Ilocos" tapos ngumiti siya saming lahat at nagpaalam.

So ano na nga ba ang regalo na sinasabi ni Aunt Cecilia?

"Ipasok niyo na" pare-pareho kaming naguguluhan nang biglang magsalita si Paul, yung assistant ni Aunt Cecilia at may mga goons na pumasok sa loob ng entertainment room.

May ibinigay sila saming mga maliliit na treasure box na may mga pangalan namin.

Yasmine & Ivan

Nung makuha ko yung box agad kong binuksan ito. Susi? Para san naman to?

"Eto na yun? Ang regalo ni Aunt eh susi?" Nakangising pahayag ni Stacy

Revenge To a Dota PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon