CHAPTER THIRTY-THREE
Dreams and Hidden Message (Part Two)--
Alas kwatro ng umaga nang maggising ang prinsipe dahil sa mahihinang katok sa pinto niya. Batay sa pattern ng pagkatok ay nakasisiguro siya na ang pinsan niya ang nambubulabog sa kaniya ngayong alanganing oras.
"Jack, alam kong gising ka na." sambit ng babae mula sa kabilang bahagi ng pinto. "Samahan mo ako sa hardin!"
"Yoonji, ano namang makikita mo sa hardin ngayong hindi pa sumisikat ang araw?" nakapikit na tugon ng binata bago nagtalukbong at balak na sanang bumalik sa pagtulog ngunit muli lamang kumatok ang prinsesa dahilan para mapamulat na siya ng tuluyan.
"Maliwanag ang buwan, okay? Lumabas ka na dahil paniguradong hinihintay tayo ni Kookie roon!"
Matapos marinig ang pamilyar na pangalan ay agad na napabalikwas sa kama si Jack. Dinig niya ang paghalakhak ng pinsan mula sa labas bago muling nagsalita.
"Oh? Parang narinig ko ang paggalaw ng kama. Napabangon ka 'no?"
Alam ni Jack na nang-aasar na naman ito kaya lihim na lamang siyang napairap bago sinuot ang tsinelas niya at nagtungo sa pinto upang pagbuksan si Yoonji. Sa oras na bumungad ang mukha nito ay may nakapaskil nang ngisi sa mukha niya.
"Oh ang aga mo yatang nagising, insan?" nanunuyang tanong nito dahilan para muling mapairap ang prinsipe. "Sungit naman nito, smile ka naman diyan!"
"Inaantok pa ako, Yoonji." walang ganang tugon ni Jack na sinabayan din naman sa paglalakad si Yoonji papunta sa garden. "Ano bang nakain mo at napag-tripan mong tumambay sa garden nang ganito ka-aga? Hindi ka na naman ba natulog ha? Gusto mong isumbong kita kay tito at tita?"
Matapos marinig iyon ay napasimangot si Yoonji. "Nakatulog naman ako, mga isa o dalawang oras nga lang."
"At bakit?" taas-kilay na tanong ni Jack matapos mapansin ang pag-iwas ng tingin ng pinsan niya.
"Darating mamaya 'yong prinsipeng ipapakasal sa akin." panimula nito. "Wala akong alam tungkol sa kaniya maliban sa pangalan niya. Ni hindi ko man lang alam kung anong klaseng tao siya. Paano kung kokontrahin at kokontrolin niya lang ako? Alam mo namang iyon ang pinaka-ayaw ko sa lahat."
Bakas ang pangangamba sa boses ni Yoonji dahilan para mapalingon sa kaniya si Jack at tinapik ang likod nito. Tinitimbang niya pa ang sasabihin lalo na't alam niyang hindi madali para sa dalaga na tanggapin ang desisyon ng magulang niya ngunit para rin iyon sa kapakanan ng kaharian nila kaya wala siyang magagawa.
"Yoonji, kilala ko si tito at tita. Hindi ka naman siguro nila ipapakasal sa kung sino-sino lang. Paniguradong pumili sila ng prinsipeng karapat-dapat para sa'yo."
BINABASA MO ANG
In Another Life | TaeKook
FanfictionIn which two young souls who faced a tragic ending in the past, promised to meet again in another life. -- Title: In Another Life Written by: Chaimeeeee Status: On-Going Language: Filipino-English Date Started: April 25, 2020 Date Finished: - Cover...