CHAPTER FIFTEEN
JK and Taetae--
"This is sht."
"Let's not do this again."
"Damn, I should've trusted my gut feeling."
Humagalpak ng tawa si Jin at Jimin matapos makita ang hindi maipintang mukha nina Yoongi, Namjoon at Hoseok habang labag sa loob na inabot ang tig-one thousand pesos kay Jin. Tuwang tuwa niyang tinanggap ang pera at proud na ngumiti sa kanila.
"Sabi ko naman sa inyo na magkasama sila eh. Hinahamon mo pa ako roon ah." patukoy pa niya kay Yoongi na umirap lang sa kawalan.
"Hindi rin naman halata sa hitsura ni Jungkook na kaya niya pa lang mag-cutting o lumabag sa kahit anong batas." dipensa ni Namjoon matapos maalala ang pustahan nila noong bigla na lang nawala si Taehyung at Jungkook. "At kailan pa sila naging close ni Taehyung?"
"Sigurado akong matagal na." bulong ni Jimin sa sarili na hindi narinig ng iba pa niyang kasama.
"Ewan ko sa'yo, Namjoon. Magkaibigan naman sila kaya hindi na nakapagtataka 'yon." nakangising sambit ni Jin.
"Dapat talaga hindi ko na pinalitan ang pusta ko." pagmamaktol ni Hoseok na hanggang ngayon ay hindi pa rin maka-move on sa pagkatalo at sa nangyari kay Jungkook noong naabutan niya ito sa Somnium Park kasama si Taehyung.
Walang kaide-ideya ang mga kaibigan nila sa nangyari kay Jungkook dahil minabuti nilang itago 'yon para hindi sila mag-alala kaya tanging si Hoseok at Taehyung lang ang nakakaalam.
"Too late, Hoseokie. Bumawi ka na lang sa susunod." pang-aasar ni Jin habang pinapaypay ang three thousand na napanalunan niya. "Anong gusto mo, Jiminie? My treat!"
Nasa bahay sila ngayon ni Hoseok at nagpapalipas ng oras. Ang plano nina Jin at Yoongi na gumawa ng project ay hanggang plano na nga lang dahil nauwi rin sila sa kwentuhan at paglalaro ng kung ano-ano.
Kulang na lang ay humugis puso ang mga mata ni Jimin na agad napalapit kay Jin matapos marinig ang tanong nito. Mas lalong napasimangot sina Yoongi at napahilamos na lang sa mukha.
"Churros! Churros!" excited na wika ni Jimin at parang bata na sumusuntok sa ere.
Natawa naman si Jin at tumango-tango. "Okay, let's grab some churros!"
"But I want churros too!" nakangusong pagsingit ni Hoseok at Namjoon.
Ngumiti nang nakakaloko si Jin matapos makita ang determinasyon sa mukha ng dalawa. "Say 'please master.' "
"What the fvck, Jin. You kinky piece of sh-" hindi na natapos ni Yoongi ang sasabihin dahil umalingawngaw na ang boses ni Hoseok at Namjoon.
"Please master!"
Malutong na napamura si Yoongi habang tawa nang tawa si Jin at Jimin. Si Namjoon at Hoseok naman ay puno ng pag-asa ang mga mata nila.
"Come on, garfield. Kahit sabihin mo na lang, 'Jin, you're so awesome, a worldwide handsome, perfect face-' ."
BINABASA MO ANG
In Another Life | TaeKook
FanficIn which two young souls who faced a tragic ending in the past, promised to meet again in another life. -- Title: In Another Life Written by: Chaimeeeee Status: On-Going Language: Filipino-English Date Started: April 25, 2020 Date Finished: - Cover...