CHAPTER FIVE
Internal Battle--
Kinabukasan, nagising si Taehyung dahil sa sinag ng araw na tumatama mula sa bintana. Marahas niyang hinila ang comforter at binalot ang sarili niya roon ngunit bago pa man siya makabalik sa pagtulog ay narinig niya ang pagbukas ng pinto.
"Sige, inom pa." umiiling na sambit ni Jimin habang pinapanood si Taehyung na balot na balot sa comforter.
Hindi na nag-abala si Jimin na dalhin si Taehyung sa bahay nila kaya dinala niya na lang ito sa bahay niya. Alam niyang nagpapakalunod sa alak si Taehyung kapag may problema sa bahay at ang lugar na 'yon ang huling lugar na gusto niyang puntahan.
Lihim na napairap si Taehyung. Halos mapamura siya sa sobrang sakit ng ulo niya. Mukhang naparami ang inom niya kagabi dahil halos masuka na naman siya ngayon.
"I can hear you."
"I know, stupid." nilapag ni Jimin ang tray ng agahan na niluto niya. Naroon din ang gamot at tubig para sa hangover ni Taehyung.
"Eat up. Mukhang hindi ka makakapasok ngayon kaya mag-iisip na lang ako ng excuse para sabihin sa mga teacher natin-"
"Papasok ako." sabat ni Taehyung at inabot ang tray. "Kaya hindi mo na kailangang mag-isip ng excuse."
"Sigurado ka?"
"Oo."
Saglit na tinitigan ni Jimin ang kaibigan habang humihigop ito ng soup na niluto niya. Magulo ang buhok nito at agaw-pansin ang eyebags niya na halatang kulang sa tulog.
Dahan-dahang umupo si Jimin sa kama. Nagdadalawang isip kung itatanong niya ba ang nangyari kagabi dahil halos hindi matigil sa pag-iyak mula noong sunduin niya ito sa bar hanggang makauwi sila.
"Tae."
"Hmm?"
"Anong problema?" mahinang tanong ni Jimin. Kahit pa ginising siya ni Taehyung sa kalagitnaan ng gabi ay hindi niya magawang mainis dahil alam niyang may problema ito.
Natigil sa pagsubo si Taehyung at dahan-dahang nilapag ang kutsara sa bowl. Muli niya na namang naalala ang usapan nila ng magulang niya kagabi at halos masuntok niya na ang sarili dahil sa padalos-dalos niyang desisyon.
Inangat ni Taehyung ang tingin kay Jimin at nang makita niyang naghihintay ito ng sagot, alam niyang kailangan niyang ikwento ang lahat.
At 'yon nga ang ginawa niya.
Tahimik lang si Jimin at paminsan-minsa'y nagpapakita ng reaksyon habang nagku-kwento si Taehyung. Hinayaan niyang magpatuloy ito hanggang matapos na siya sa pagkwento.
"Naiinis ka sa sarili mo dahil hindi ka man lang nag-alangang um-oo sa kasal na 'yon?" tanong ni Jimin na tinanguan ni Taehyung.
"Alam mo namang wala talaga akong pakialam sa mga pabor nila at matagal na nila akong kinausap tungkol sa kasal na 'yon pero hindi ko alam kung bakit bigla na lang ako naging apektado kahit alam kong huli na ang lahat para bawiin 'yon." wala sa sariling nagulo ni Taehyung ang buhok niya sa sobrang inis.
BINABASA MO ANG
In Another Life | TaeKook
FanfictionIn which two young souls who faced a tragic ending in the past, promised to meet again in another life. -- Title: In Another Life Written by: Chaimeeeee Status: On-Going Language: Filipino-English Date Started: April 25, 2020 Date Finished: - Cover...