CHAPTER THIRTY-TWO: Dreams and Hidden Message (Part One)

289 14 22
                                        

CHAPTER THIRTY-TWODreams and Hidden Message (Part One)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER THIRTY-TWO
Dreams and Hidden Message (Part One)

--

Abala sa pag-iikot ng kaharian si Goddess Alenara habang hawak niya sa magkabilang kamay ang dalawang batang guardian. Nangako siya sa mga ito na sasamahan silang maglibot sa labas ng kastilyo kaya narito siya at naglalakad habang patalon-talon naman ang dalawa dahil sa tuwa.

Nang makarating sila sa hardin ay agad niya silang binitawan at hinayaang maglaro hanggang mapagod. Nakangiti silang pinapanood ni Goddess Alenara ngunit sa kabila no'n ay hindi niya napigilang makaramdam ng pangungulila habang tinatanaw ang mga bata na hinahabol ang mga paru-paro.

Nakikita niya si Kookie sa mga bata dahil mahilig din ito sa paru-paro at paboritong lugar niya ang hardin. Dito rin siya madalas mag-ensayo ng kung anu-anong magic noong kabataan niya.

"Mama, kailan po makababalik si Kookie?" tanong ni Sunoo na hindi namalayan ni Goddess Alenara na nasa tabi niya na pala.

"Sunoo, bakit mo ako iniwan doon?" nakasimangot na tanong ni Niki at biglang lumitaw sa tabi ni Goddess Alenara. "Mama, this is for you." dagdag niya bago inabot ang isang bulaklak sa dalaga.

"Thank you, Niki."

"Sorry, Niki. Nami-miss ko na si Kookie kaya kinuha ko na ang pagkakataon na tanungin si Mama." paliwanag ni Sunoo kaya ngumiti lang si Niki bago tinapik ang balikat nito.

"Ayos lang, ako rin naman e. Matagal na ring hindi nakababalik si Kookie rito at nakaka-miss siyang kalaro." bumaling si Niki kay Goddess Alenara. "Kailan po ba babalik si Kookie, Mama?"

Unti-unting nawala ang ngiti na nakapaskil sa labi ni Goddess Alenara at napabuntong hininga.

"Niki, Sunoo. Alam niyo naman ang sitwasyon natin dito, 'di ba? Hindi pa makababalik si Kookie dahil baka mas lalong delikado ang buhay niya rito."

"Mama, muntik ko na po pa lang makalimutan." panimula ni Niki kaya napatingin sa kaniya si Goddess Alenara at hinintay niya ang sasabihin nito. "May napanaginipan po ako na hindi po pamilyar sa akin pero baka alam niyo po kung ano ang tinutukoy niya."

"Ano 'yon, Niki?"

Sandaling inalala ni Niki ang panaginip bago lumiwanag ang mukha niya. "May isang matandang babae po ang nagpakita sa panaginip ko at hinahanap niya po si Kookie. Sinabi niya na isa raw po siya sa mga oldest mage rito sa Asteria."

"Isa sa mga oldest mage?"

Tumango naman si Niki. "Ngunit wala na po siya ngayon, Mama. Hindi ko po alam ang pangalan niya pero mukhang mabait naman po siya at sinabi niya po na dati niya raw akong apo."

Ngayon ay nakakunot na ang noo ni Goddess Alenara. Sino naman kaya ang nagpapakita sa panaginip ng batang guardian?

"Anong sinabi niya sa'yo, Niki?"

In Another Life | TaeKookMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon