In which two young souls who faced a tragic ending in the past, promised to meet again in another life.
--
Title: In Another Life
Written by: Chaimeeeee
Status: On-Going
Language: Filipino-English
Date Started: April 25, 2020
Date Finished: -
Cover...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
CHAPTER TWENTY-SEVEN Right or Wrong
--
Walang imik na pinapanood ni Yoongi na maghanap ng libro si Jimin sa kaliwa't kanang bookshelf na nakapaligid sa kanila. Nakakunot ang noo nito habang abala sa paghahalungkat at mabilis ang bawat kilos niya.
"Jimin." pabulong na tawag niya rito bago sumandal sa isang shelf at humikab.
"Hmm?"
"Bakit ba hindi mo na lang sabihin kung anong libro 'yong hinahanap mo para matulungan kita at makakain na tayo ng lunch?" tanong ni Yoongi na hindi nagpatinag kay Jimin at patuloy lang sa paghahalungkat.
"Nakalimutan ko rin ang title, Yoongs. Sa tingin mo ba kakalkalin ko ang bawat shelf kung alam ko ang title at naitanong ko na lang sa mga student assistant?" tugon ni Jimin at napaubo dahil sa mga alikabok ng ibang libro. "Iyong hitsura lang ang maalala ko e."
Napairap naman si Yoongi ngunit nakiupo rin sa tabi ni Jimin at tinulungan ito sa paghahanap. "Ano bang hitsura?"
"Purple ang kulay ng cover niya at luma na. Medyo makapal 'yong libro na 'yon at-"
"Ito ba?" sambit ni Yoongi bago pinakita ang libro na nahanap niya na nasa pinakadulo ng shelf. Nanlaki naman ang nga mata ni Jimin saka mabilis na tumango bago iyon kinuha mula sa kaniya.
"Thanks, Yoongs!"
"Tungkol na naman ba iyan sa mga fairy at iba pang mga magic creatures?" taas-kilay na tanong ni Yoongi na sumilip sa pahina na binabasa ni Jimin. "Guardians?"
Nang masiguro ni Jimin na iyon nga ang hinahanap niya ay agad niyang sinarado ang libro bago iyon mahigpit na niyakap.
"Tara!" sambit ni Jimin saka naunang tumayo at hinawakan ang braso ni Yoongi para tulungan ito na makatayo.
"Hindi mo sinagot ang tanong ko." nakangiwing usal ni Yoongi habang pinapagpagan ang slacks niya. "Bakit bigla kang naging interesado ulit diyan?"
"Hindi naman nawala ang pagka-interesado ko sa mga ganito." tugon ni Jimin saka pinakita ang libro at ID niya sa harap ng librarian para hiramin iyon habang tahimik lang siyang pinapanood ni Yoongi.
Nang mabigyan ng borrower's slip si Jimin ay agad niyang hinila si Yoongi palabas ng library. Pasipol-sipol pa ito at hindi mawala-wala ang ngiti niya habang tinatahak ang daan papunta sa cafeteria.
"Jimin." tawag ni Yoongi dahilan para tapunan siya ng tingin ni Jimin.
"Bakit, Yoongs?"
Saglit siyang tinitigan ni Yoongi bago umiwas ng tingin. "Bakit mo naitanong sa akin noong birthday ni Jungkook kung may kakilala akong JK?"
Natigilan si Jimin matapos marinig ang tanong na iyon. Kitang kita ni Yoongi ang saglit na paglaki ng mga nito at ang paghigpit ng hawak ni Jimin sa librong hiniram niya.