CHAPTER TWO
It's you--
Pag-uwi pa lang ni Jungkook ay agad siyang napasalampak sa sofa. Unang araw niya pa lang sa eskwelahan pero pagod na pagod na siya. Hindi niya naman inaasahang hahabulin siya at pag-aagawan ng mga babae roon dahil buong akala niya ay prim at proper ang mga estudyante. Hindi 'yong handang makipagsabunutan at sumabak sa habulan para lang sa isang transferee tulad niya.
"What's with the face, Kookie?" tanong ni Hoseok na kapapasok lang matapos i-park ang kotse sa garahe. Abala siya ngayon sa pagtatanggal ng sapatos at medyas niya.
"I'm just tired." sagot ni Jungkook at pumikit. "I still don't understand why they sent me here."
Napaangat ng tingin si Hoseok sa kaniya at naglakad patungo rito. Dahan-dahan siyang umupo at marahang sinuklayan ang buhok ni Jungkook.
"Kookie, para rin ito sa kaligtasan mo."
"I can fight, you know. Para saan pa ang mga kakayahan ko kung hindi ko magagamit?" giit ni Jungkook na ngayo'y nakamulat na. "I want to go home, Hobi."
Bakas ang pag-aalala sa mukha ni Hoseok nang makita kung gaanong kalungkot si Jungkook habang nakatingin sa kisame pero kahit pa gustuhin niyang pabalikin ito ay hindi maaari dahil iyon ang inutos sa kaniya.
Bago pa man makapagsalita si Hoseok para pagaanin ang loob ng nakababata ay inunahan na siya nito.
"Pero alam kong hindi nila ako papayagang bumalik doon."
Ilang segundong namayani ang katahimikan sa pagitan nila pero mabilis din namang binasag 'yon ni Hoseok.
"Kookie, you need to be careful. Alam kong nakatira tayo sa iisang bahay at nag-aaral sa iisang eskwelahan, alam mo ring handa akong protektahan ka kahit anong mangyari pero may mga pangyayaring hindi natin kontrolado."
"Makasarili ang mga tao, Kookie. Kapag nalaman nilang hindi ka karaniwang tao, paniguradong magkakaroon sila ng interest sa'yo at hindi malabong mapahamak ka."
Tipid na ngumiti si Jungkook at walang pasabing niyakap si Hoseok. Masaya siya na may kaibigang handang tumulong at protektahan siya. Masaya siya na kasama niya ngayon ang kaibigan niya na nasa tabi niya mula pagkabata at kahit pa naghiwalay sila ng ilang taon, hindi siya kinalimutan nito.
"I'll be careful, Hobi. Don't worry." bulong ni Jungkook.
Tumango-tango si Hoseok habang nakangiti. Sinuklian niya ng mas mahigpit na yakap si Jungkook at tinapik-tapik ang likod nito.
"Kookie?"
"Hmm?"
"May nangyari ba sa room niyo kanina bago kami dumaan? Bakit parang iniiwasan mo si Taehyung?" tanong ni Hoseok at kumalas sa yakap para makita ang mukha ni Jungkook. "May ginawa ba siya sa'yo?"
BINABASA MO ANG
In Another Life | TaeKook
FanficIn which two young souls who faced a tragic ending in the past, promised to meet again in another life. -- Title: In Another Life Written by: Chaimeeeee Status: On-Going Language: Filipino-English Date Started: April 25, 2020 Date Finished: - Cover...