CHAPTER TWENTY-FIVE: Kookie

241 13 10
                                    

AUTHOR'S NOTE:

Hey, hey, hey! It hasn't been a week yet I already miss updating this story. HAHAHA ♡ I'm glad I was able to publish another chapter without making you wait for three months. (I'm really sorry for that.) But I'll try my best to update once or twice a week! Thank you for patiently waiting and for your kind words

Also, I feel like I need to share this with you because it is one of the hidden gems here and I believe it deserves more love and recognition. If you're up for an emotional roller coaster, I recommend you read "Broken Beats" (Blacklist Series Book 1) by geemonac and check out her works too! ♡

Here's the link: https://my.w.tt/uc8rCdU4Kbb

Stay safe and enjoy reading!

- Chomikorn

CHAPTER TWENTY-FIVEKookie

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER TWENTY-FIVE
Kookie

--

Halos umawang ang bibig ni Zianna habang diretso siyang nakatingin sa likod ng nakatatandang kapatid niya. Hinihintay niya ang susunod na sasabihin nito, nagbabakasakaling bawiin ang sinabi niya ngunit walang emosyong nakapinta sa mukha ni Goddess Alenara.

"Ate." hindi makapaniwalang bulong ni Zianna saka hinawakan ang balikat ni Goddess Alenara upang iharap ito sa kaniya. "Nagbibiro ka lang 'di ba? Bakit—"

"Mas mahihirapan lang siya roon, Zia."

"Pero masaya siya roon. Masaya siya sa mundo ng mga tao, ate." bakas ang pakikiusap sa tono ni Zianna. "Akala ko ba napag-usapan na natin ito? Akala ko ba hahayaan na natin siya roon?"

Ilang segundo ring tahimik na nakatingin sa kaniya si Goddess Alenara bago kumawala sa hawak niya. "Ilang araw ko rin itong pinag-isipan, Zia. Mas nakabubuti kay Jungkook na manatili rito nang sa ganoon ay hindi na siya masaktan pa."

"Gaya ng sabi mo, hindi magiging madali ang lahat pero kailan ba naging madali para kay Jungkook?" ramdam ni Zia ang lamig sa boses ng kapatid niya ngunit hindi siya natinag. Sa halip ay napaatras siya habang umiiling.

"Hindi ko pinadala si Hobi sa mundo ng mga tao upang mabantayan si Taehyung nang ilang taon para lang humadlang ka, ate." tugon niya dahilan para kunot-noong napaangat ng tingin sa kaniya si Goddess Alenara. "Sinigurado kong buhay si Taehyung at magkikita sila ni Jungkook balang araw. Ngayong nangyari na, hindi ko hahayaang humadlang ka sa hinaharap nila."

Bakas ang pagkagulat at pagtataka sa mukha ni Goddess Alenara. Maraming tanong ang nasa isipan niya ngunit hindi niya mahanap ang boses upang magsalita.

"Hindi pa ba sapat ang sulat na binigay ko sa'yo, ate?" dagdag ni Zianna at binaling ang tingin sa kaliwa. "Magtiwala ka sa akin. Kung may makita akong magpapahamak kay Jungkook, pangako, ako mismo ang mag-uuwi sa kaniya rito."

In Another Life | TaeKookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon