CHAPTER SEVENTEEN
Where Are You Now?--
Pasado alas onse na ng gabi ngunit gising na gising pa rin ang diwa ni Taehyung habang nakatitig sa papel na hawak niya. Halatang luma na ito at kaunting pagkakamali ay mapupunit na kaya naman todo ingat siya na hawakan 'yon.
"JK." muling bulong niya sa sarili saka binaba ang papel at napatitig sa kisame na akala mo'y luluwa ng sagot sa mga tanong niya.
Ilang oras siyang nagpagulong-gulong sa kama niya para kahit papaano ay dalawin siya ng antok ngunit nangingibabaw ang mga tanong sa isipan niya at hindi siya pinapatulog.
Nagulo ni Taehyung ang buhok niya sa sobrang inis. Napagdesisyunan niyang uminom na lang ng gatas at baka makatutulong 'yon para kumalma siya at tuluyang makatulog kaya naman agad siyang bumangon at sinuot ang tsinelas niya. Iyon nga lang, kasabay ng pagtayo niya ay nahulog na naman sa sahig ang papel. Pinulot niya 'yon para ibalik sana sa mesa ngunit may napansin siyang maliit na sulat sa likod ng drawing.
'A special gift for a special friend like JK.'
Napapikit si Taehyung at napaupo sa kama niya matapos makakita ng kung ano-anong imahe. May iilan na namang ala-ala na pumapasok sa isip niya ngunit gaya noong unang nangyari sa Somnium Park ay masyado na namang malabo at may mga hindi siya marinig sa usapan.
~♡~
(Kim's Residence, 9 years ago.)
Abala sa pagguhit si Taehyung habang nakadapa sa kama niya at pakanta-kanta. Hindi niya namalayang pumasok na pala sa kwarto niya si Manang Dolores habang may dalang gatas.
"Napaka-busy naman ng alaga ko. Ano iyan, Tae?" tanong nito bago nilapag ang baso sa bedside table ni Taehyung at umupo sa tabi niya.
"Nagd-drawing po ako, Manang. Kami po ito ni Kookie!" sagot ni Taehyung na tuwang tuwa saka inangat ang papel na hawak niya. "Siya po 'yang may bunny ears dahil kamukha niya 'yong bunny kapag tumatawa siya. Ako po itong may tiger tail!"
"Napakaganda naman, Tae. Ang galing-galing mo!" pagpuri ni Manang Dolores kay Taehyung na ngumiti nang malapad. "Pero gabi na. Mabuti pa siguro kung bukas mo na 'yan ipagpatuloy?"
Mabilis na umiling si Taehyung at umayos ng upo. "Ipapakita ko na po ito sa kaniya bukas, Manang. Sa tingin mo po ba, magugustuhan niya?"
"Nako oo naman! Kahit sino ay magugustuhan talaga itong gawa mo!" natatawang tugon ni Manang Dolores at sinuklian ang ngiti ni Taehyung na puno ng sinseridad. "Masaya ako na may kaibigan kang katulad ni Kookie, Taehyung."
"Masaya rin po ako na naging kaibigan ko po si Kookie." ani Taehyung. "Pero hindi po ba kayo nawe-weirduhan sa akin? At naniniwala po talaga kayo na may kaibigan po ako na tanging ako lang ang nakakakita?"
BINABASA MO ANG
In Another Life | TaeKook
FanfictionIn which two young souls who faced a tragic ending in the past, promised to meet again in another life. -- Title: In Another Life Written by: Chaimeeeee Status: On-Going Language: Filipino-English Date Started: April 25, 2020 Date Finished: - Cover...