CHAPTER TWENTY-SIX: Chaotic Feelings

246 13 5
                                    

CHAPTER TWENTY-SIXChaotic Feelings

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER TWENTY-SIX
Chaotic Feelings

--

"Manang Dolores."

Hindi makapaniwala si Jungkook matapos mamukhaan ang matanda na tinulungan niya at ngayo'y naglaho na mula sa paningin niya. Gusto niya itong habulin, kausapin at yakapin nang mahigpit dahil tinuring din siya nitong parang anak katulad ni Taehyung noong mga bata pa lang sila.

Hanggang ngayong nasa sasakyan na sila at nagmamaneho na si Hoseok pauwi ay iyon pa rin ang nasa isip ni Jungkook. Hindi niya man lang nararamdaman ang paminsan-minsan na sulyap ni Hoseok sa kaniya dahil masyadong malalim at lumilipad sa kung saan ang isip niya.

"Kookie?" tawag ni Hoseok dahilan para mapalingon sa kaniya si Jungkook na natulala sa mga dinaraanan nila. "Ayos lang naman kung ayaw mong i-kwento ang nangyari kanina-"

"Ayos lang, Hobi." ngiti ni Jungkook bago umupo nang maayos. "Nakalimutan ko nga pa lang i-kwento sa'yo kanina."

~♡~

(4 hours ago)

"Jimin!" sigaw ni Jungkook matapos makita itong matapilok sa hagdanan. Mabilis siyang tumakbo para sana hawakan ang kamay ni Jimin ngunit huli na ang lahat.

"Jungkook!"

Nararamdaman niya. Nararamdaman ni Jungkook ang pamilyar at malamig na sensasyon mula sa braso hanggang sa kamay niya. Dala na rin siguro ng takot kaya hindi niya na napigilan ang kapangyarihan niya at kusa itong gumawa ng paraan para hindi masaktan si Jimin.

Halos lumuwa naman ang mga mata noong huli nang makita ang kung ano mang nagmula sa mga kamay ni Jungkook--maliwanag at nagniningning-- parang mga superpowers na nakikita niya sa mga movie. Tila nawala na sa isip ni Jimin na natapilok siya at nahulog sa hagdanan nang maramdaman niya ang sarili na sinalo ng malambot na foam.

Agad na napakapa si Jimin upang makumpirma na foam nga talaga ang binagsakan niya at hindi ang sahig. Halos hindi pa ma-proseso sa utak niya ang mabilis na pangyayari nang marinig niya ang yabag at boses ni Jungkook.

"Jimin! Ayos ka lang ba? May masakit ba sa'yo? Dadalhin na kita sa clinic! Kaya mo bang tumayo?"  sunod-sunod na tanong ni Jungkook saka nilahad ang kamay niya kay Jimin.

Napakurap naman si Jimin habang nakatitig sa kamay ni Jungkook bago ito tinanggap at tumayo.

"Kook." bulong ni Jimin at napasulyap sa foam na nasa sahig bago binalik ang tingin kay Jungkook na ngayo'y pinagpapawisan na. "A-Anong nangyari?"

"Jimin." panimula ni Jungkook at napabuntong hininga. "I-Isa akong guardian."

Wala na siyang rason para magsinungaling pa dahil kitang kita ni Jimin ang nangyari. Ang tanging hiling niya na lang sa mga oras na 'to ay sana hindi siya kamuhian ni Jimin at mananatiling sikreto sa pagitan nila ang nalalaman niya. Nang ma-realize ni Jimin na hawak pa rin ni Jungkook ang kamay niya ay agad niya itong binawi at tinago sa likod niya ngunit hindi siya nag-abalang umatras.

In Another Life | TaeKookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon