CHAPTER THIRTEEN
Unexpected Visitor--
Pagtapos ng football training nina Taehyung ay umuwi siya kaagad dahil tinawagan siya ng mga magulang niya at sinabing may bisita raw ito. Hindi niya na tinanong pa kung sino 'yon dahil paniguradong isa iyon sa mga anak ng business partners ng mga magulang niya.
Hindi na siya nag-abalang ayusin ang sarili niya at dire-diretso siyang pumasok papuntang sala habang yakap-yakap niya si Yeontan. Naabutan niya naman na nakaupo sa sofa si Rebecca at nakikipag-kwentuhan sa magulang ni Taehyung. Nang maramdaman niala ang presensya niya ay binati siya ng mga ito at sinabihang maligo muna at magpalit ng damit.
"Tannie, stay here, okay?" sambit ni Taehyung at nilapag ito sa kama niya. Mukhang naintindihan naman 'yon ni Yeontan dahil tumahol ito bago humiga habang pinapanood si Taehyung na maghanap ng damit na pamalit niya.
Matapos gawin ang mga dapat gawin ay bumaba na si Taehyung sa sala pero wala na si Rebecca at ang mga magulang niya roon. Narinig niya naman ang boses ng mga magulang niya sa kusina kaya minabuti niyang puntahan ang mga ito roon.
"Oh, Taehyung. Nasa garden si Rebecca." saad ni Mrs. Kim bago pa man magtanong si Taehyung kaya tumango na lang siya saka naglakad papunta sa garden kung saan naabutan niyang nakupo sa damuhan si Rebecca.
"Hey." nakangiting bati nito bago tinapik ang tabi niya. Umupo naman kaagad si Taehyung at sandaling binalot sila ng katahimikan bago iyon binasag ni Rebecca.
"How's your training?"
"Ayos naman." maikling tugon ni Taehyung saka humiga sa damuhan. "Hindi ko inaasahan na pupunta ka rito."
Nahihiyang yumuko si Rebecca. "Pasensya na. Inutusan ako ni Mommy na dalhan kayo ng cupcake na binake niya. Balak ko sanang ibigay lang kaso nadala na ako sa kwentuhan namin ng mga magulang mo."
"Ayos lang, huwag kang mag-sorry." ani Taehyung at mahinang natawa. "It's nice to see you again, Becca."
"Same here, Taehyung." nakangiting tugon ni Rebecca bago bumaba muli ang tingin sa damo at pinaglaruan ang mga daliri niya. "I'm sorry. Alam kong hindi ka payag sa arranged marriage na 'to at ganoon din ako kaya sinubukan kong pigilan sina Mama pero buo na ang desisyon nila."
Bakas ang lungkot sa boses nito at halatang nag-guilty siya pero sa isip ni Taehyung ay hindi naman dapat siya makonsensya dahil pareho lang silang walang choice.
"It sucks, right?" bulong ni Taehyung habang nakatingin sa madilim na langit. Wala man lang ni isang bituwin na nagbibigay ng liwanag dito. "Pero gaya ng sabi mo, wala tayong choice."
Dahan-dahang tumango si Rebecca na ngayo'y nakatingin na sa kaniya. "Paano naman ang girlfriend mo? Anong mangyayari sa inyo?"
"Wala akong girlfriend."
BINABASA MO ANG
In Another Life | TaeKook
FanfictionIn which two young souls who faced a tragic ending in the past, promised to meet again in another life. -- Title: In Another Life Written by: Chaimeeeee Status: On-Going Language: Filipino-English Date Started: April 25, 2020 Date Finished: - Cover...