CHAPTER TEN: Good Friends

283 18 0
                                    

CHAPTER TENGood Friends

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER TEN
Good Friends

--

Pag-uwi pa lang ni Taehyung ay dumiretso kaagad siya sa kwarto. Hindi na siya nag-abalang tanungin kung nakauwi na ba ang mga magulang niya dahil alam niyang mas pipiliin ng mga ito ang trabaho.

Nilapag niya ang bag sa study table bago naghalungkat sa mga drawer niya. Hindi niya alam kung ano ba talagang hinahanap niya, basta't naghahalungkat lang siya habang umaasang may mahanap siyang bagay na konektado kay Jungkook.

"Fvck." sambit niya matapos mapagtantong walang patutunguhan ang ginagawa niya. Ang tanging nahanap niya ay isang lumang photo album na puno ng pictures niya mula pagkabata.

Dahan-dahang napaupo sa sahig si Taehyung. Napahilamos siya ng mukha dahil sa sobrang inis na hindi niya alam kung saan nanggaling. Pilit man niyang iwaksi sa isipan ang existence ni Jungkook, lagi naman siyang nabibigo dahil tila pinapaalala naman nito na minsan ay naging bahagi rin siya ng buhay ni Taehyung.

Pero kailan?

Mula pa noong araw na tinanghal ni Jin ang mini quiz ay hindi na mawala sa isip ni Taehyung ang mga sagot ni Jungkook. Pilit niyang kinakalimutan at kinukumbinsi ang sarili na baka nagkataon lang pero habang tumatagal, mas lalo lang siyang naguguluhan.

"You love rain, Taehyung."

"Sabi mo, 'yong ibang bata natatakot sa ulan lalo na kung sinasabayan ng kulog at kidlat pero para sa'yo, nagdudulot 'yon ng kasiyahan at kinakalma nito ang puso mo."

Mariing napapikit si Taehyung matapos maalala ang sinabi ni Jungkook kanina. Dumadami na ang katanungan sa isipan niya ngunit ni isa ay wala man lang siyang nakuhang sagot.

"Taehyung?"

Napaangat ng tingin si Taehyung matapos marinig ang isang pamilyar na boses. Agad siyang tumayo at nilapag ang photo album sa bedside table bago pinagbuksan ng pinto si Jimin.

"Hey." nakangiting bati pa nito sa kaniya.

"Akala ko nakauwi ka na." ani Taehyung bago sumalampak sa malambot na kama nang hindi sinusulyapan si Jimin

Mahina namang natawa ang kaibigan niya saka nilapag sa mesa ang mga pagkain na dala-dala niya.

"Just checking on you. Malay ko ba kung nilalagnat ka na dahil balita ko, nagtampisaw raw kayo ni Jungkook sa ulan?"

Hindi nakasagot si Taehyung. Sa halip ay umupo siya sa tabi ng bintana at pinanood ang malakas na pagbuhos ng ulan. Ramdam niya ang tingin na pinupukol ni Jimin sa kaniya hanggang naramdaman niya na lang ang kamay nito sa balikat niya.

"Tae." bulong ni Jimin upang makuha ang atensyon ni Taehyung. "What's wrong?"

Ilang segundong hindi nagsalita si Taehyung. Akala ni Jimin ay wala itong balak sumagot kaya tumalikod na siya para sana ihanda ang mga dala niya nang marinig niya itong bumuntong hininga.

In Another Life | TaeKookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon