CHAPTER NINETEEN: Late Night Conversation

251 19 5
                                    

CHAPTER NINETEENLate Night Conversation

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER NINETEEN
Late Night Conversation

--

Saglit na namayani ang katahimikan sa mesa nila ngunit mabilis ding binasag 'yon ni Hoseok sa pamamagitan ng pagtawa. Napansin niyang tila nawalan ng boses ang mga kaibigan niya at nakakahiya naman kung magtitinginan lang sila lalo na't halatang nahihiya ang kasama ni Taehyung.

"Hi, I'm Jung Hoseok. Nice to meet you, Rebecca." pagpapakilala niya at nilahad ang kamay sa dalaga na tinanggap naman nito.

"Hello, Hoseok. Nice to meet you too."

"Fiancée? H-He's joking, right?" pasimpleng bulong ni Jin sa katabi niyang si Namjoon. "Wala nga siyang girlfriend, paano siya nagkaroon ng fiancée? Maliban na lang kung tinago niya sa atin nang ilang taon."

"I don't think he's joking around, Jin." ani Namjoon at bumuntong hininga. "May idea na ako kung anong nangyayari pero hihintayin ko na lang na siya ang magsabi sa atin. For now, iparamdam natin na welcome ang fiancée niya, okay?"

Wala namang nagawa si Jin kung hindi tumango at nagpaskil ng ngiti sa labi niya matapos marinig na pinakilala siya ni Taehyung. Isa-isa silang pinakilala kay Rebecca at nakipag-kamay sa kaniya.

"And he's-"

"Jungkook!" pangunguna ni Rebecca at walang anu-ano'y lumapit kay Jungkook at niyakap ito. "It's been awhile! How are you?"

Halos lumuwa ang mga mata nina Jin habang pinapanood ang eksena na nasa harap nila. Para bang may bombang nahulog sa tapat at hindi nila inaasahan 'yon kaya ang mga hitsura nila ngayon ay parang may invisible 'wtf?'.

Sa kabilang banda, nanigas lang sa kinauupuan si Jungkook na hindi alam ang gagawin. Yayakapin din ba niya pabalik si Rebecca o hahayaan ito? Sa huli ay tinapik-tapik niya na lang sa likod ang dalaga dahil hindi talaga siya kumportable sa biglaang pagyakap nito.

"I-I'm fine." halos pabulong na tugon ni Jungkook. "How about you?"

"I'm feeling better!" masiglang sagot ni Rebecca na kumalas sa yakap at bumalik ulit sa tabi ni Taehyung matapos mapansing halos lahat ng mata sa loob ng cafeteria ay nakatuon sa kaniya.

Mabilis na hinila ni Taehyung ang isa pang upuan para makaupo si Rebecca. Nagpasalamat naman ito bago nagpaalam si Taehyung na bibili lang ng pagkain kasama si Yoongi at Hoseok habang naiwan naman sa table sina Jin na nagku-kwentuhan.

"So, dito ka na rin mag-aaral?" tanong ni Jin habang nakapahalumbaba sa mesa. Mabilis na tumango si Rebecca na parang bata at ngumiti nang mas malapad.

"Nakuha mo!"

"Paano nga pala kayo nagkakilala ni Jungkook?" tanong naman ni Jimin na hindi pa rin makapaniwala na nakilala na ito ng kaibigan.

"Noong nagkaroon ng family dinner sa isang restaurant. Nasaktuhan lang na nandoon siya kaya pinakilala na siya ni Taehyung." sagot ni Rebecca.

Napanguso si Jimin at hinarap si Jungkook. "Bakit 'di mo sinabi sa amin?"

In Another Life | TaeKookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon