CHAPTER SEVEN: Ice Cream and Confused Hearts

367 29 5
                                        

CHAPTER SEVENIce Cream and Confused Hearts

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER SEVEN
Ice Cream and Confused Hearts

--

Halos paliparin ni Taehyung ang kotse niya sa sobrang bilis ng pagpapatakbo nito. May dalawang oras pa siya para makapaghanda sa dinner na sinasabi ng magulang niya at gusto niya munang magpahinga bago maghanda.

"Are you okay?"

"Are you okay?"

"Are you okay?"

"Sht!" agad na napa-preno si Taehyung nang may lasing na bigla na lang tumawid sa kalsada.

Tila nakahinga siya nang maluwag matapos makitang wala itong galos at hindi niya nasagasaan dahil kung hindi, paniguradong malilintikan siya at imbes na dumiretso sa bahay, baka didiretso pa ito sa kulungan.

Huminga siya nang malalim at sinubukang pakalmahin ang sarili bago nagpatuloy sa pagmamaneho hanggang makarating siya sa bahay nila. Sinalubong siya ng isang maid sa bukana at sinabing hinihintay siya ng mga magulang niya sa work room.

Saglit siyang nakatitig sa pinto bago pumikit at humugot ng malalim na hininga. Nang kumalma siya ay dahan-dahan niyang pinihit ang doorknob.

~♡~

Tulala lang si Jungkook sa tapat ng study table niya habang tinatanaw ang daan-daang bituwin mula sa bintana. Katatapos niya lang gawin ang homework na binigay sa kanila pero wala pa rin siyang balak matulog dahil hindi pa naman siya tinatamaan ng antok.

Tahimik niyang pinapaikot-ikot ang ballpen sa daliri niya nang marinig niya ang mahihinang katok sa pinto kasunod ng boses ni Hoseok na nagpapalaam na papasok siya. Hindi rin naman nagtagal nang bumukas ang pinto at niluwa siya nito.

"Tapos ka na ba sa ginagawa mo?" tanong ni Hoseok at dahan-dahang umupo sa dulo ng kama ni Jungkook.

Tumango naman siya saka nilapag ang ballpen sa mesa. "Katatapos lang, Hobi."

"Gusto mong kumain ng ice cream?"

Anim na salita lang pero sapat na para kumislap ang mata ni Jungkook sa sobrang tuwa. Halos mapatalon pa siya sa kinauupuan niya pero pinigilan niya ang sarili. Sa halip ay mabilis niyang inayos ang mga gamit niya sa study table.

"Ang bilis mo talaga kapag niyayaya kang kumain." umiiling-iling na biro ni Hoseok pero hindi rin naman napigilan ang ngiti. "Tara na!"

Agad na nagmaneho si Hoseok papunta sa ice cream parlor na madalas niyang pinupuntahan noon. Nag-order sila ni Jungkook ng paborito nilang ice cream flavor at masayang nag-kwentuhan nang hindi nila namamalayan ang oras.

"Hobi, ang sabi sa akin ni Rainoa, strikto raw ang admin lalo na sa mga kulay ng buhok pero bakit hinayaan lang 'yong iba na magpakulay?" tanong ni Jungkook na puno ng kuryosidad habang hindi matigil sa pagsubo ng ice cream.

In Another Life | TaeKookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon