CHAPTER NINE: Soulmates By Heart

289 22 1
                                    

CHAPTER NINESoulmates By Heart

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER NINE
Soulmates By Heart

--

"Ako 'yong kaibigan mo na sinasabi mong hindi mo makakalimutan kahit anong mangyari, Tae."

Umihip ang malakas na hangin dahilan para ma-expose ang noo ni Jungkook. Aaminin niyang ginagapangan na siya ng lamig pero hindi niya 'yon inalintana at pinanood ang reaksyon ni Taehyung.

Nakatingin lang ito sa kaniya na wala man lang bahid ng kahit anong emosyon pero sa kaloob-looban ni Taehyung ay pinipilit niyang alalahanin kung sino Jungkook at paano niya ito nakilala. Masyado na siyang nahihiwagaan sa kaniya lalo na't kilalang kilala niya si Taehyung.

Nang mapansin ni Jungkook na tulala si Taehyung ay mahina siyang natawa at pabirong hinampas ito sa braso.

"Tara na nga-" akmang aayain niya na ito para makapagpalit na sila ng damit pero pinigilan siya ni Taehyung at hinawakan ang braso nito.

Halatang nagulat si Jungkook dahil hindi niya 'yon inaasahan pero hindi niya mahanap ang boses upang magsalita. Si Taehyung ay pilit na nilulunok ang kung ano mang nakabara sa lalamunan niya.

"Taehyung! Jungkook!"

Halos sabay na napalingon si Taehyung at Jungkook sa direksyon na pinanggalingan ng boses at nakitang tumatakbo palapit sa kanila si Hoseok, Jin at Namjoon habang may dalang payong. Napakurap si Taehyung saka dahan-dahang binitawan ang braso ni Jungkook.

"Anong tumakbo sa isip niyo at nagtampisaw kayo sa ulan?" hinihingal na bungad ni Hoseok nang tuluyan silang makalapit sa dalawa. "Naghahanap kayo ng wala!"

"Alangan namang maghanap sila ng meron." sarkastikong tugon ni Jin dahilan para makatanggap siya ng hampas sa braso mula kay Namjoon. Agad siyang napahimas sa braso niya at babawi na sana pero mabilis ding napigilan ni Namjoon ang pagtangka niya.

Umiling na lang si Hoseok sa kakulitan ng dalawa at hinarap si Jungkook at Taehyung.

"Magkakasakit kayo niyan." seryosong aniya at napamasahe ng sintido. Hindi niya alam kung iaabot pa ba niya ang payong dahil useless na rin naman 'yon. Basang basa na ang dalawa pero parang wala lang 'yon sa kanila.

"Hobi, sumama ka na rin! Ang gaan sa pakiramdam!" pag-aya ni Jungkook habang hinihila ang braso ni Hoseok. Hindi naman ito nagpadala sa paghila sa kaniya ni Jungkook.

"Kookie, mabuti pang maligo at magpalit na kayo ng damit dahil magkakasakit talaga kayo niyan."

Parang batang ngumuso si Jungkook at tumango. Ayaw niya namang pasakitin ang ulo ni Hoseok kapag nagkasakit nga siya. Si Hoseok naman ay pinipilit na huwag pansinin ang pagpapa-cute ni Jungkook at iniiwas ang tingin sa kaniya.

"Okay, pero ililibre mo ako ng lasagna!" dagdag ni Jungkook at niyakap nang walang pasabi si Hoseok.

Natawa na lang si Jin at Namjoon sa cuteness ng nakababata habang nakaakbay sila kay Taehyung at pinapanood nilang nababasa si Hoseok. Hindi na napigilan ni Hoseok na ngumiti at ginulo ang buhok ni Jungkook pero dahan-dahan ding nawala ang ngiting 'yon matapos niyang ma-realize na nabasa na ang uniform niya.

In Another Life | TaeKookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon