CHAPTER SIX: Foreign feeling

321 27 5
                                    

CHAPTER SIXForeign feeling

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER SIX
Foreign feeling

--

"So, may balak ka pa bang pakulayan ng itim 'yang buhok mo?" tanong ni Rainoa na nakapahalumbaba at marahang hinawakan ang buhok ni Jungkook. "Mabuti at hindi ka pinagalitan ng mga staff? Ang alam ko'y strikta sila pagdating sa mga ganiyang bagay." dagdag pa niya na halos mamangha dahil sa sobrang lambot ng buhok nito.

"Oh about that," napahimas ng batok si Jungkook. Sa totoo lang ay ayaw niyang palitan ang kulay ng buhok niya dahil ito talaga ang natural na kulay ng buhok niya sa mundo nila.

"Nakausap ko ang dean noong first day ko rito at wala naman daw problema pero nag-request si Hoseok na magpakulay raw sana ako ng buhok para maiba naman."

Tumango-tango naman si Rainoa bago muling umayos ng upo. "Sabagay. Pero ayos na rin naman iyang kulay pink, bagay na bagay nga sa'yo eh."

"Ngayon mo lang ako sinabihan niyan." biro ni Jungkook dahilan para hampasin siya nito sa braso. "Thanks."

"Whatever, Jeonie." pabirong umirap si Rainoa pero hindi rin naman mapigilan ang pagngiti. "Nai-imagine ko na ang hitsura mo kapag nagpakulay ka na! Paniguradong dudumugin ka na naman ng mga estudyante rito!"

Saglit na natigilan si Jungkook matapos maramdamang tila may nakatingin sa kaniya mula sa malayo. Gusto man niyang lumingon at hanapin kung saan nanggaling ang kakaibang pakiramdam na 'yon ngunit pinigilan niya ang sarili at pinukol ang atensyon kay Rainoa.

"Jeonie, huwag mo akong kalilimutan ha!" ma-dramang dagdag ni Raonia na nagkunwaring pinapalis ang pekeng luha sa mata niya.

"Ayan ka na naman." bulalas ni Jungkook at ngumiwi. Medyo nasasanay na siya sa mga ganitong eksena ng kaibigan kahit ilang araw pa lang silang magkakilala.

Didipensa pa sana ang dalaga nang bigla na lang nagtilian at matinis na nagsigawan ang mga estudyante na nasa bleachers at field dahilan para agad na tinakpan nila ang tenga para hindi sila tuluyang mabingi.

Mula sa malayo ay kitang kita nila sina Hoseok at ang buong football team na masayang nagku-kwentuhan at nagtatawanan. Naroon ang mga kaibigan niya maging ang kaibigan ni Rainoa na si Mark na pinakilala nito sa kaniya kanina.

Napakunot ang noo ni Jungkook matapos mapansing hindi sumasabay sa grupo ang isang lalaking nangunguna ngayon sa paglalakad at agad na lumapit sa coach nila. Tinapik siya nito sa balikat matapos ang sandaling pag-uusap na nagpasilay sa maliit na ngiti sa labi ni Taehyung.

"Alam ko namang alam mo na may gusto ako kay Hoseok pero meron talagang something kay Taehyung kapag nakikita mo siya sa field. Damn, lalo na siguro kapag makita mo siyang maglaro mamaya!" bulong ni Rainoa na ngayo'y niyuyugyog na ang balikat ni Jungkook.

"Pero promise, loyal ako kay Hoseok. Sa akin pa rin naman ang boto mo 'di ba?" dagdag pa nito nang tuluyang bitawan ang binata.

Kinagat ni Jungkook ang labi para pigilan ang pagtawa dahil sa hitsura na pinapakita ni Rainoa saka siya tumango. "Of course!"

In Another Life | TaeKookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon