CHAPTER FOURTEEN
Picture Perfect--
Nakayuko lang si Jungkook habang kinakagat ang labi at pinaglalaruan ang mga daliri niya. Hindi niya kayang tingnan sa mga mata si Hoseok dahil nakangiwi lang ito at hindi nagsasalita.
Naalala niya noong ilang minuto lang mula noong magising siya at bumungad si Hoseok na puno ng pag-aalala ang mukha. Tinanong siya nito kung may nararamdaman ba siyang masakit o nanghihina pa ba siya pero laking pasasalamat ni Jungkook dahil maayos na ang pakiramdam niya.
"Do you mind telling me what happened?" tanong ni Hoseok sa kalagitnaan ng nakabibinging katahimikan. "At bakit hindi ka pumasok sa afternoon class niyo?"
Napalunok naman si Jungkook habang pilit na inaalala ang nangyari bago siya mawalan ng malay. Paniguradong mapapagalitan siya ni Hoseok pero hindi niya naman gugustuhing magsinungaling kaya kinwento niya nga ang buong nangyari.
"Ibig mong sabihin, ginamit mo ang healing ability mo kay Taehyung noong sumasakit ang ulo niya?" paglilinaw ni Hoseok na tinanguan naman ni Jungkook. "Pagkatapos ay nanghina ka na?" muling tumango si Jungkook habang nakatingin pa rin sa mga kamay niya.
Ang mga guardian ay pare-parehong mayroong healing ability na maaaring magpawala ng kahit anong sakit na nararamdaman. Alam nilang gumagana rin 'yon sa mga tao ngunit ngayon lang din nila nalaman na delikado rin pala 'yong gamitin sa kanila.
Pinigilan ni Hoseok na mapahilamos sa mukha. Sa halip ay naupo siya sa kama ni Jungkook at hinawakan ang magkabilang balikat nito dahilan para tingnan siya ni Jungkook.
"Kookie, hindi ba't sinabi ko na sa'yo na may iniinom na gamot ang mga tao? Hindi mo kailangang gawin 'yon." mahinahong saad ni Hoseok. "Tingnan mo ang nangyari sa'yo."
"I'm sorry, Hobi. Wala rin naman akong dalang gamot noong oras na 'yon at nataranta na ako dahil halos umiyak na si Taehyung sa sakit habang nakahawak siya sa ulo niya." paliwanag naman ni Jungkook saka walang pasabing niyakap si Hoseok. "Hindi na mauulit 'yon, promise."
"Dapat lang." halos pabulong na tugon ni Hoseok na pinipilit lunukin ang kung anumang nakabara sa lalamunan niya. "A-Ayaw kong mawala ka." dagdag pa niya matapos maalala ang bilin sa kaniya ni Goddess Alenara.
Bahagyang kumalas sa yakap si Jungkook at tiningnan ang kaibigan. "Hindi naman ako mawawala, Hobi. Huwag kang mag-alala."
"Hindi mo naiintindihan, Kookie." giit ni Hoseok at tiningnan siya sa mga mata. "Maaari mong ikamatay kapag ginawa mo ulit 'yon."
Parang tumigil ang pag-ikot ng mundo ni Jungkook matapos marinig 'yon. Hindi niya alam na ganoon pala ka-delikado ang ginawa niya na puwedeng umabot sa puntong ikamamatay niya ito.
Ang pagtulong niya ay kapalit pala ng buhay niya mismo.
"P-Paano mo naman nasabi iyan, Hobi?" tanong niya kay Hoseok habang pilit tinatago ang takot sa boses niya. "Kanino mo nalaman iyan?"
BINABASA MO ANG
In Another Life | TaeKook
FanfictionIn which two young souls who faced a tragic ending in the past, promised to meet again in another life. -- Title: In Another Life Written by: Chaimeeeee Status: On-Going Language: Filipino-English Date Started: April 25, 2020 Date Finished: - Cover...