CHAPTER TWENTY
Try Something New--
Mabilis na dumaan ang mga araw at sumapit na ang kaarawan ni Jungkook. Laking pasasalamat nila dahil may assembly ang mga teachers kaya wala silang klase at mayroon silang buong araw para maghanda sa surprise na plano nila.
"Unahin natin ang ibang putahe bago ang desserts at cake." suhestyon ni Jin habang naghuhugas ng kamay.
Nasa kusina sila ngayon at naghahanda para magluto habang nasa sala naman sina Hoseok, Namjoon at Taehyung at hinahanda rin ang mga ilalagay na decorations sa backyard kung saan magaganap ang surprise nila.
"No." pag-protesta ni Yoongi. "Uunahin natin ang desserts tapos mga putahe, kahit mamayang hapon na ang cake dahil madali na lang 'yon."
"No! Uunahin natin ang mga putahe bago ang desserts!"
Napabuntong hininga si Yoongi dahil hindi talaga magpapatalo si Jin hanggat hindi siya ang nasusunod.
"Lalamig kaagad ang mga putahe kapag iyon ang inuna natin." paliwanag ni Yoongi, umaasang kahit ngayon lang ay makinig si Jin sa kaniya. "Mas matrabaho ang desserts kaya 'yon ang unahin natin, Jin."
Napasandal sa kitchen counter si Jin habang nakahalukipkip. Si Yoongi naman ay nakatingin lang sa kaniya at tila walang balak umiwas hanggang mapapayag niya itong sumunod sa kaniya.
"Uh, pinapa-check ni Hoseok kung kumusta kayo pero mukhang may staring contest na nagaganap kaya sasabihan ko na lang siya." sambit ni Taehyung na bigla na lang lumitaw mula sa kung saan. "At least hindi kayo nagsasakalan 'di ba. Basta siguraduhin niyo lang na matapos niyo ang mga dapat niyong gawin. Peace out!" dagdag nito bago tumakbo pabalik sa sala kung san naabutan niyang bitbit na nina Hoseok at Namjoon ang iilang box ng decorations.
Nagpakawala ng hininga si Jin saka naglakad patungo sa mesa kung nasaan ang mga ingredients.
"Fine, uunahin natin ang desserts." pagsuko nito at nagsimulang mag-measure nang hindi hinihintay si Yoongi.
Nakatayo lang ito sa pwesto niya habang hindi pa rin makapaniwala na pumayag si Jin. Nang tapunan siya ng masamang tingin ng nakatatanda ay saka lang siya nakagalaw at tinulungan na ito.
~♡~
Matamang naglalakad si Jungkook kasabay si Jimin at Rainoa na bigla na lang siyang inaya na pumunta sa mall. Wala rin naman siyang gagawin sa bahay kaya walang pagda-dalawang-isip na sumama siya sa kanila. Isa pa, nagtatampo pa siya kay Hoseok na parang nakalimutan nito na birthday niya dahil hindi man lang siya binati. Noong nasa Asteria sila ay binabati siya nito pagsapit mismo ng alas dose dahil nakikipag-unahan talaga siya sa mga kaibigan nila para bumati kaya ganoon na lang ang pagtataka niya dahil umaakto ito na tila normal na araw lang ngayon.
BINABASA MO ANG
In Another Life | TaeKook
FanfictionIn which two young souls who faced a tragic ending in the past, promised to meet again in another life. -- Title: In Another Life Written by: Chaimeeeee Status: On-Going Language: Filipino-English Date Started: April 25, 2020 Date Finished: - Cover...