AUTHOR'S NOTE:
Hello, una sa lahat gusto kong magpasalamat sa lahat ng nagbabasa ng story na 'to! Hahahaha 'In Another Life' reached 3k reads! ♡ thank you sooo much! Mag-t-three months na akong walang update pero nanatili kayo at patuloy na naghihintay. Maraming maraming salamat, mapa-silent reader or active reader, thank you so much! Masaya ako na nagustuhan niyo ang story na 'to. ♡ Pasensya na kung hindi ako gaanong active at hindi madalas mag-update pero binabasa ko ang mga message niyo. Sobrang nakatataba ng puso ♡
Thank you so muchhh, enjoy reading and stay safe everyone! LIFE GOES ON. ♡ I love u more than love! ♡
-Chomikorn
CHAPTER TWENTY-FOUR
Glimpse of the Past--
"Malapit na ang prom pero wala pa rin akong date." nakangiwing sambit ni Jimin at nagpahalumbaba sa mesa. Hindi maipinta ang reaksyon nito habang pinaglalaruan ang sign pen sa kamay niya.
"Matagal-tagal pa naman, Jim. May exams pa nga tayo eh. Atsaka, ayain mo na lang kaya si Yoongi? Tutal siya naman ang gusto m—"
Bago pa man matapos ni Jungkook ang sasabihin ay agad na tinakpan ni Jimin ang bibig niya at sinenyasan siya. "Kookie, huwag kang maingay! Nilalaglag mo naman ako eh."
Muling nagpahalumbaba si Jimin at hindi nakatakas sa mata ni Jungkook ang pamumula ng pisngi nito nang nilingon sila ni Yoongi bago bumalik sa pakikipag-usap kay Namjoon at Jin.
Ilang minuto ang nakalipas na patango-tango lang si Jungkook habang tahimik na nakikinig sa mga pinagsasabi ni Jimin nang may nalanghap siyang pamilyar na amoy dahilan para manigas siya sa kinauupuan niya.
Lavender.
Pasimpleng nilibot ni Jungkook ang paningin niya sa loob ng malawak na library, nagbabakasaling makita ang pinanggagalingan ng amoy na 'yon ngunit kahit ang laylayan lang ng puting bestida nito ay hindi niya man lang nasilayan.
"Goddess Zia?" bulong ni Jungkook at muling pinasadahan ng tingin ang lugar ngunit hindi niya ito makita. Napakunot ang noo ni Jungkook matapos mapansin na wala si Hoseok sa tabi niya. "Nasaan si Hobi?"
~♡~
Halos maubusan ng hininga si Hoseok nang dalhin siya ng mga paa niya sa liblib na lugar ng eskwelahan. Habang hinahabol ang hininga ay nanatili ang paningin niya sa dalaga na hindi man lang napagod sa katatakbo galing sa library.
"Goddess Zia, a-ano pong ginagawa niyo rito?"
Napatigil sa paglalakad si Goddess Zia bago dahan-dahang nilingon ang binata na pawis na pawis, bahagyang nakayuko ang ulo at ang mga kamay ay nasa tuhod.
BINABASA MO ANG
In Another Life | TaeKook
FanfictionIn which two young souls who faced a tragic ending in the past, promised to meet again in another life. -- Title: In Another Life Written by: Chaimeeeee Status: On-Going Language: Filipino-English Date Started: April 25, 2020 Date Finished: - Cover...