CHAPTER VII ART AND HESITANT

377 8 0
                                    

JOYCE

Sa isang private  Art Museum ako dinala ni Johann. Siguro 15 minutes away from the Church bago kami nakarating. Maliit lang ang place, pero pagpasok mo sa loob punong puno ng mga painting ng mga sari saring Pintor. Nakakabit sa wall, nasa kisame, sa mga poste, yong mesa..basta kahit saang sulok ka tumingin puro ibat ibang klaseng paintings ang makikita mo.

Kung baguhan ka na tulad ko sigurado matatakot ka sa mga mukha na parang nakatitig lahat sayo.

Hindi ko alam kung bakit ako sumama. Hindi niya naman ako pinilit. Kusa naman akong sumakay sa kotse niya.

Bakit?

Kasi nga nababaliw na ako.

Nasasapian. Napasukan ng kung anong kaluluwa. Para akong tanga na sunod ng sunod sa kanya sa kung saan niya man akong direksyon hatakin. At ang matindi pa hinahayaan kong magkadikit ang mga kamay namin.

Marami siyang sinasabi. Sa bawat sulok ng dingding na nilapitan namin may mga pangalan siyang menention. Lahat yon wala akong natandaan. Ang utak ko ay pawang makinang bigla nalang nagbreak down.

Napatigil kami sa harap ng isang malaking painting ng isang babae. Maganda kahit sa isang sulyap mo palang alam mong kagandahan lang ang makikita mo. Tiningnan ako ni Johann na nakangiti. Ngumiti din ako at nagmasid.

"Ano nakikita mo?"

tanong niya sa akin.

"babaeng maganda."

"I expected that answer."

Hinatak niya ako papalapit sa kanya.

"Isang Dutch si Johannes Vermeer. That girl was his daughter best friend. He will always remember that girl because of her pearl earrings. Kaya yon ang tawag sa paintings niya. Yon lang ang nakikita ng tao pero hindi nila alam kung bakit niya pininta ito.."

Sa lahat ng alam ko sa kanya, ngayon ko lang nadiscovered na mahilig siya sa Art. The way he told the story ay parang alam na alam niya talaga lahat.

"Ang ugali ng batang yan ang nagpamangha sa kanya. Opposite to what his daughter was. Interesting. Courageous. Inquisitive. Daring.  Lahat yon wala sa anak niya. The way the girl looked into his eyes that amused him too much. He painted her to remind him that she was the kind of daughter he dreamed. The kind of wife he wanted.  Her eyes that made him bared the pain when his family resented him. It was his reminder that if he will going to have a second chance  he will find that kind of girl.."

He exhaled finishing his story as he tightened his hold on me. His eyes was sad and lonely. I wanted to hold him more closer.

"You believed me?"

He asked.

"You're believable."

I uttered. Tumawa siya at humarap sa akin.

"Nothing of it was proven but people saying na yon ang storya.What I wanted to say is we always judge the people based on what we saw without knowing the real story behind it.  The Art.. the Painting.. were just like human being."

Napatango lang ako.Hindi ko alam kung paano ba ako magrereact. Ang lalim at hindi ko kayang hukayin.

"Gaya  mo..gaya ko.."

dugtong pa niya in sighed.

"Sige nga..ano ba ang storya sa likod ng mukhang yan?"

Pinaharap ko siya. Tumingin siya sandali at nilapit ang kamay ko sa bibig niya.

Warm.

Sweet.

and soft.

"Minsan mas maganda pa rin pag walang may nakakaalam para malaman mo kung sino ba talaga ang handang kumilala sayo kahit pa minsan hindi ka nila maiintindihan."

Napatahimik na naman ako. Gusto kong yakapin siya. Pero alam ko hindi naman talaga dapat. Na hindi naman talaga dapat ako nag iisip ng ganito. Kung hindi ko pipigilan baka tuluyan na akong mabaliw. Baka pagkagising ko gugustihin ko nalang na hilingin kay Lord na ibigay niya lang siya sa akin . Kahit yon lang. Pero mali. Maling mali. 

"Gusto ko ng umuwi."

Hindi yon ang gusto kong sabihin pero kailangan . Yon ang dapat.

Biglang nagbago ang ekspresyon niya . Pain? Disappointment? Hindi ko alam basta ramdam ko na hindi niya yon nagustuhan.

"okay.."

maiksi niyang sabi. Then he let go of my hand at pinauna akong lumabas. Nakasunod lang siya sa akin hanggang sa kotse.

Ang 15 minutong drive ay parang naging isang taon. Hindi siya nagsasalita. Hindi man lang tumitingin.

Bago pa man sumabog ang dibdib ko nasa harap na kami ng bahay.

"Thanks.."

sikap kong sabi sa kanya bago lumabas ng sasakyan. Tumango lang siya na parang ayaw ng makita man lang ako. Pagbukas ko ng gate agad na siyang umalis.

Hindi naman to siguro ganun kalala no? Tama naman ang ginawa ko di ba?

He was going to be a priest for God sake. Damn it!

Napasandal ako sa kama ko. Bakit ganun? Bakit parang ang sakit kahit di pa man nagsisimula?

Kinuha ko ang planner sa bag. Scratching out the list na hindi ko na naman nagawa.

Kung bibigyan ako ni Lord ng super powers ngayong araw babasahin ko ang laman ng utak niya.

Bakit kasi hindi nalang pwedeng mahalin ko siya na walang pero at kasi. Yong malaya. Yong walang bawal.

Alam ko naman eh na impossible. Na kahit sabihin ko pa wala pa ring halaga. He didn't feel the same way I feel for him. Para siya kay Lord at mali kasi kinakalaban ko yon.

Could anyone bumped my head please?

**********

AUTHORS NOTE

Nasa chapter 7 na ako. Wooh. Thanks for the read. :p

lynlyn_223l

LOVING A SEMINARIANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon