AUTHORS NOTE
This will be Johann Pov. Ilalagay ko lang dito ang alam kong story niya . Hindi naman kasi lahat nakuwento niya sa akin kaya yong ang alam ko nalang. Anyways, sana magustuhan niyo.
lynlyn_223l
JOHANN
Nong sinabi ni Dad na papasok ako ng seminaryo nagprotesta ako kahit na alam ko namang hindi na magbabago ang isip niya. Kahit alam niya na pangarap kong maging pintor. Sabi pa niya a Priest could paint kaya wag daw akong malungkot.
I do what he wanted. Kaya ako nandito ngayon. Binuo ko ang loob ko na baka ito na nga ang gusto ni God para sa akin. But that idea changed when I met this girl.
Sa totoo lang nakakaiinis siya ng umpisa. Para bang suplada at ayaw makipag usap. Hanggang isang araw tinanong niya ako kung bakit mag isa lang akong nagkakape at nalaman niya ngang bago pa lang ako. She helped me gain friends. Dahil sa kanya kaya nakilala ko sina Zach and Emil.
We brothers were bound to be a Priest. Ibig sabihin our heart only belongs to one person. God. We can't love anybody else except for friends and family.
Naging magkaibigan kami. Nagkausap.
Isang araw narinig kong kinutya siya ng iba kong kasama at natutuwa ako habang nakikita ang mga ngiti niya. Yong parang naiinis siya pero natatawa. Yong tipong defeated siya kasi hindi siya makabato pabalik. Tapos uupo siya don sa kilid and ngingiti ngiti habang nakikinig. Kalaunan nakisali na ako hanggang sa naging close na nga kami.
She was my first and only girl friend here. Hindi man kami nagkukuwentuhan ng matagal pero nagkakaunawaan kami. She approached me when she feels I'm not okay and I do the same way.
Naging malapit lang talaga siya sa akin and that time na bigla na lang siyang di pumasok sa Cafe at nalaman ko na nasa Ospital siya, I couldn't stop myself to worry and to feel bad. Yon bang hindi ako nakakatulog sa gabi sa kakaisip kung okay lang siya . Araw araw non tuwing break andon ako, nagbabantay, kinakantahan siya, dinadasalan. She was very ill that time na akala ni Tatay hindi niya na kakayanin.
Buong araw kong kinausap si God non. Na pagalingin lang siya.Na gagawin ko lahat gumaling lang siya. Sabi ko na pipigilan ko na sarili ko, na hindi ko na seseryosohin ang nararamdaman ko at paninindigan ko ang pagiging Pari gumaling lang siya.
He heard my prayers.
After a week nakalabas siya ng Ospital. Later on I ignored everything and put aside my feelings towards here.
God knows kung paano ko sinubukang kalimutan. Na sa bawat araw ma magkausap kami o kahit mapalapit lang siya sa akin ay isang daang dasal ang sinasabi ng utak ko.
Pinilit ko.
Sinubukan ko.
But one day I woke up and decided to let go. It is wrong to lie. Tinext ko si Dad and again he didn't understand.
Past couple of weeks mas lalo akong nababalisa. Mas lalong naging mahirap ang magtago. That when she was there smiling I feel like I want to hold here.
Zach knows everything. He knows my feeling towards Joyce. He even make fun of me sometimes by teasing Joyce about falling in love with someone like us. But I guess she hated that idea. Like what most people think, she too know its a mistake. She's right. It's really a mistake so maybe God will forgive me if I'll decide to quit and be who I am.
I invited her to come though I'm not quite sure she'll say yes. But as I hold her and grabbed her towards the Car, she didn't complained. It was the best moment of my life. Being with someone you love as you showed them what you really are. Dinala ko siya don para mas maintindihan niya kung sino ako. Kung ano ba talaga ang gusto ko. Pinakita ko sa kanya ang pangarap ko at kung ano dapat ako ngayon. Bagamat hindi lahat ng pangyayari naaayon sa panaginip. Minsan opposite ang nangyayari. Kagaya nalang ng bigla niyang pagkagusto na umuwi.
Dapat alam ko na hindi siya interesedo. Dapat aware ako na wala naman talaga siyang pakiaalam. Pero kasi naramdaman ko sa mga tingin niya, sa mga kilos niya na nag eenjoy siya don. Na kahit halos hindi ko na binibitawan ang kamay niya parang okay lang sa kanya. Akala ko okay na. But I'm wrong. She hesitated. Maybe because I kissed her hand? Natakot ba siya? or baka naman hindi niya lang talaga gusto.
It was hard to pretend that everything was just fine. Kaya hindi ko napigilang di maapektuhan . Hinatid ko siya sa kanila na wala man lang ni isang salitang lumabas sa bibig ko.
The worst is, I thought masakit na yon pero may mas masakit pa pala.
Sabi ni Zach ayaw niyang pag usapan ang tungkol kahapon. Kaya siguro umiiwas siya. Kaya siguro ni hindi ko man lang siyang nakitang tumingin. I didn't had a chance to see his eyes . He keep on looking away and intentionally ignore me.
It hurts like hell.
Maybe my heart wouldn't believed that fact. Kaya siguro nakita ko nalang ang sarili kong tumatakas na naman para makalabas.Para makausap siya at masabi sa kanya kung ano ba talaga ang nararamdaman ko.
Tama nga si Dad. Masasaktan lang ako. Pagsisihan ko lang. Tama nga siya. It was really impossible na mamahalin ako lalot alam niyang hindi tama. Ng marinig ko yon lahat sa bibig niya halos mawalan ako ng hininga.
It was like a sharp knife stabbing inside my chest.
Painful and bloody.
Yong gusto mo siyang pigilan at yakapin pero alam mong hindi mo na pala kayang gawin.
Bumalik ako sa loob na dumaan sa gate. Kahit pa kita ko si Zach sa likuran na tumatawag sa akin. I don't care about getting caught anymore. I don't care kung mapagalitan man ako.
I went straight to the Chapel and looked up to Jesus image hanging on the cross. He died because of love so why it was wrong foe someone like us to feel the same?
"Johann..."
Ineexpect ko ng marinig ang boses ni Father Jacob.
"sorry Father.."
tanging sabi ko lang sa kanya na hindi man lang tumingin.
"tell me..".
Hindi siya umalis sa tabi ko at naghintay ng aking sasabihin.
"paparusahan ba ako ni Lord kung makagawa ako ng matinding kasalanan? Kasi kung hindi bakit ang nararamdaman ko ngayon ay parang sobra pa sa parusa.."
"Hindi nagbibigay ng parusa ang Diyos at alam mo yon..Kung masakit ang nararamdaman mo lahat yan may dahilan at ang nais niya lang maintindihan kung ano yon . Walang masama ang umibig kasi tao lang naman tayo pero masama ang magsinungaling lalo na ginagawa mo yon sa harap niya. "
He tapped my head gently and continue.
"Ano ba ang gusto ng Diyos sayo..? Yon ang dapat mong alamin.."
Tumayo na siya at yumuko sa harap ng altar .
"bumalik ka na at matulog. Bukas na ang parusa mo dahil lumabas ka.."
Then he left .
What God wants for me?
Sinasabi ba niya dito talaga ako dapat? Na dito ako nabebelong? Sinasabi ba niya na mali ang mahalin ko si Joyce. Na nangyari to para matauhan ako? Ito ba ang ibig sabihin non?
Why you couldn't tell me? Sabihin niyo na lang sa akin para tapos na. Para mawala na lahat ng to.
Kung sana nakakausap ko siya. Kung sana nakakasagot siya sa mga tanong ko.
Lahat daw ng bagay may dahilan.
Sana lang alam ko kung ano yon.
BINABASA MO ANG
LOVING A SEMINARIAN
Romance(Ongoing Editing) We choose the love we think you deserve even it takes us to sin. What would you risk to fight against forbidden love? Would you choose your faith or would you follow your heart? Join Joyce and Johann in their one of a kind love st...