CHAPTER VIII RIGHT THINGS

345 8 1
                                    

JOYCE

Ilang beses kong inulit sa utak ko to. Ilang beses kong pinagsisigawan na tama na. Itigil ko na. Hindi na maganda. Pero ang nakakainis kasi sa bawat pikit ko ng aking mga mata, ang titig niya, ang ngiti niya at pati yong pakiramdam ng hawak niya sa akin. Lahat yon parang bago lang sa memorya ko. Kaya nakakabuwesit kasi nawawalan na ako ng pag asang umiwas.

Sige lang Joyce sagarin mo pa ang kabaliwang yan.

I came early. Not because I was excited but because hindi ko magawang magmukmok sa bahay at mag isip ng tungkol sa kanya. Mas lalo lang akong naloloka..

 

Tatay was not on his usual place. Bukas na ang Cafe kaya imposibleng wala siya. May isang sasakyan na nakaparada sa parking kaya dali dali agad akong lumapit sa Cafe. Outside I could see them. Tatay and the two men talking with their serious faces. I looked closely and recognized them.

What are they doing here this early?

Agad akong pumasok at ng napansin ako ni Tatay lumapit ito sa akin bago pa man ako nakalapit. Kinabahan na ako. Ramdam ko na ang mangyayari.

"Gusto ka niyang makausap."

"ho?"

Hindi ako sure kung tama ang narinig ko pero ng inulit ni Tatay parang gusto ko nalang bumalik palabas.

"Sasamahan kita kung gusto mo.."

Napatingin ako sa kanila. Halatang naghihintay sila sa desisyon ko. Anong pag uusapan namin? Bakit ako? Naguguluhan ako. Natatakot at kinakabahan.

"Ayaw mo?Hindi kita pipilitin."

"No.Sige okay lang."

Nasabi ko nalang at sumunod kay Tatay palapit sa kanila.

"sit.."

he said as Tatay and the guy with him left us. Nanginginig ang kamay ko at pilit na umupo ng maayos.

They have the same feature in closer look. There eyes are similar and even the shape of their nose. In his eyes I could see the hardness unlike to Johann that full of mystery. Napabuntong hininga ako at buong tapang na nagtanong.

"I don't have an idea why you wanted to talk."

"Ms. Lopez I'm just here to clarify some things. But before that I wanted to make sure if you really a good friend of my son."

I nodded.

"After that day that we talked he told me that he was going to quit but I convinced him to think about it again. I thought he made up his mind that it was stupid decision. I was wrong. Last night he went home and told me that he made his decision.."

napahinga siya ng malalim.

"to quit. He want to quit because as what he said he's in love.."

Kung pwedeng lumabas ang puso ko malamang kanina pa ito nahulog. Ang pawis ng kamay ko ay parang gripong tumutulo.

He looked at me.

"Kilala mo ba ang babae?"

"ho?"

"pakisabi sa kanya na gawin niya ang tama. "

Hindi ako makatingin ng diretso. Hindi ko kaya. Napahawak ako sa damit ko na halos mapunit ko na.

LOVING A SEMINARIANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon