Annie's POV
"Sa'n punta mo?" bungad ni kuya sakin pagkababa ko. "Ba't bihis na bihis ka?"
hinawi ko yung bangs na nakaharang sa mata ko. "Ah, kuya mabuti't andito ka na. Aalis sana ako."
"Saan naman? At gabi na ah."
"ay basta. Alis na ako kuya." i kissed his cheeks.
"Sino ba kasama mo?"
"Kaibigan ko.."
lalabas na sana ako sa pinto kaso bigla siyang humarang. "Sino? Kasama mo ba si Stephen? May date ba kayo? Ano? Sabihin mo?"
i laughed. "Si kuya talaga oh patawa. Wala akong kadate noh, kahit valentines ngayon, wala."
He crossed his arms. "Saan ka nga pupunta?"
I frowned. "Err, kuya..."
"No."
i rolled my eyes. "Fine. Pupunta ako sa gig."
"Gig? May banda ka? kailan pa? Ba't hindi ko alam yan?"
"Kasi alam kong hindi mo ako papayagan."
"Buti alam mo."
Nanlaki yung mata ko. "Seryoso ka diyan kuya?"
"Tingin mo nagbibiro ako?" tinuro niya yung seryoso niyang mukha.
I frowned. "You're kidding."
"I'm not."
"I'm still going." i tried pulling him away from the door kaso, errr. "Kuya, alis na. Malelate na ako!"
"Hindi ka lang malelate ngayon, dahil aabsent ka din. Ay hindi, madrodrop ka na."
Hindi ko alam kung tatawa ba ako or ano sa sinabi ni kuya. Pero eto lang ang sure na sure ako ngayon, NAIIRITA AKO >_
"Walang aalis."
"Pero kuya--"
"Baka kung ano pa yung mangyare sayo dyan sa labas."
Dahan-dahan niya akong tiulak pabalik sa sala.
Umupo ako sa couch.
"Kuya sandali lang naman po ako dun."
"Hindi."
I sighed sabay napasandal ako sa couch.
"Kung kasama mo lang sana si Stephen, mas mapapanatag pa sana yung loob ko."
"Kuya, hindi naman pwedeng parati kaming magkasama ni Stephen. May ibang buhay din yung tao."
"Kahit na, mas mapapalagay ako kapag siya yung kasama mo."
Hindi na ako sumagot.
What's the use? Mukhang wala talaga siyang balak na payagan ako.
Maya-maya tumayo na ako.
"Sa'n ka pupunta?"
"Sa itaas lang, magbibihis."
"Mas mabuti pa ngang magbihis ka na."
BINABASA MO ANG
Young Love
Teen FictionNagsisimula ang lahat sa 'Infatuation' tapos nagiging 'crush' mo na. And as the time goes by, you'll say that you're 'Inlove'. Thinking that everything happening to you was like a 'Fairytale'. You found your 'Prince' and thinking that you were his '...