Chapter 43

107 1 0
                                    

Tahimik lang ako habang nanonood ng tv. Nakahiga ako sa sofa. Si Stephen naman ay nakaupo sa sahig habang nakasandal sa sofa. Kanina ay nag-away pa kami. Pinagalitan niya 'ko kasi ayaw ko pang matulog. Pagod ako pero hindi naman ako inaantok.

Hinila ko yung buhok niya. Sinamangutan niya ako. Nadistorbo ko kasi yung tulog niya. Kanina ko pa napapansin na pumipikit-pikit na siya habang nakasandal ang ulo sa upuan ng sofa na hinihigaan ko.

"Umuwi ka na nga."

He tsk-ed. Ang tigas ng ulo. Hindi naman siya pwedeng patulugin dito kasi walang guest room itong condo ko. Maliit 'tong sofa ko para sakanya,hindi siya magiging komportable sa pagtulog niya. AT mas lalo namang hindi siya pwede sa kwarto ko.

"Naririndi na ako sa pagtaboy mo Annie ah. Ayoko ngang umuwi." Ngumuso pa siya.

I gritted my teeth. Nakakainis e. Bukas na yung alis namain papunta sa Palawan tapos hindi pa siya nakakapagpahinga. Baka mamaya siya pa yung magkasakit niyan.

"Wala ka namang matutulugan dito, just go home!"

Ginulo niya yung buhok niya. "Shhh, ang ingay e!"

Tinapon ko sakanya yung unan na hawak-hawak ko. "Di porket boss kita, magagawa mo 'kong utusan na payagan kang matulog dito."

Ngumiwi siya. "Not because I still love you, hahayaan kitang utusan ako." Mahina niyang sabi.

Uminit ang pisngi ko sa sinabi niya. Pinagwalang bahala ko iyon kahit na nahihirapan na akong huminga dahil sa bilis ng tibok ng puso ko ngayon.

"May flight pa tayo bukas, you should take a rest!"

"I should be the one telling you that. May sakit ka, and we're not going to Palawan kapag hindi ka pa gumaling." May halong pagbabanta ang kanyang boses.

Edi 'wag. After all, it's his company.

I rolled my eyes at dumeretcho sa kwarto ko. Masama pa ang pakiramdam ko. Humiga ako sa kama ko. Bahala siya sa buhay niya. Kahit na naiinis ako dahil nagkasakit ako dahil sa pag-oovertime ko para matapos ko yung trabaho nang makapunta ako sa Palawan ng wala ng ibang iniisip. Tapos sasabihin niya lang na hindi kami matutuloy dahil sa may sakit ako? Tss. Edi okay, it's my rest day.

Sa kabila ng pagkainis ko ay nagawa ko pading magimpake ng aking gamit. I'm not sure if  he's really serious about his words.

Kinaumagahan ay nadatnan ko siyang natutulog sa sofa. Nakacross arms siya habang mahimbing ang kanyang tulog. Bumalik naman ako agad sa kwarto para kumuha ng extrang kumot. Kinumutan ko siya.

May lagnat pa ako. Ganun padin yung temperature ko at masakit pa yung ulo ko.

Akto kong tatapikin yung pisngi ni Stephen nung biglang bumukas yung pinto ng condo ko at niluwa nito sa kuya na karga-karga si Andrew gamit ang isang kamay at may hawak na grocery sa kabilang kamay naman.

Nanigas ako sa kinatatayuan ko dahil sa nangyari. Nagtaas lang naman siya ng kilay nung nakit niya ako. Nilipat niya yung tingin nuya kay Stephen na mahimbing padin ang tulog sa sofa hanggang ngayon.

"Ate Annie!" Tumakbo si Andrew papunta sa akin at hinalikan ako sa pisngi. Nilipat niya yung tingin niya sa cousin niya. "Kuya Stephen?" Ngumuso siya.

Lumapit si Kuya bigla sakin at hinaplos yung noo ko. Tumaas ulit ang isang kilay niya at napailing. Dumeretcho siya sa kusina dala-dala ang mga pinamili niya.

Nagulat ako nung biglang dinaganan ni Andrew si Stephen.  "KUYA STEPHEN!! WAKE UP! WAKE UP!"

He groaned. Napadilat siya ng kanyag mata habang nakasimangot. "The fvck."

"Andrew?" Dahan-dahan siyang napaupo at tinignan ako ng nagtataka.

Umiling lang ako.  Tumayo ako at dumeretcho sa kusina.

"So,dito siya natulog? Okay na kayo?" nakahalukipkip si Kuya habang nakasandal sa counter.

"Inalagaan niya  ako. Doon siya natulog sa sofa." deretcho kong sabi sakanya.

Ngumuso siya at tumango. "Sabi mo e." nagngiting aso pa siya. "Basta, Annie. Ayaw ko pa ng pamangkin ah." humalakhak siya.

 Sinuntok ko siya sa braso. "Ewan ko sa'yo."

Pamangkin? Tsk.

Dumating si Stephen sa kusina habang binibaby-talk si Andrew. Hinayaan ko silang dalawa pati si Kuya na ngayon ay nagluluto na ng breakfast namin. Inutusan pala ni Papa kaya andito. Pambawi daw niya kasi malapit na daw siyang ikasal at baka hindi na niya ako maalagaan.

Napaflinch ako kung dumapo sa noo ko yung palad ni Stephen. Ngumiwi siya nang naramdaman niya yung init ng noo ko. Sabi ko naman,  hindi pa ako okay. 

"Guess like I have to cancel our flight today." napaismid siya.


Nilapag ni Kuya ang plato ng kanyang niluto. Palipat-lipat ang tingin niya saming dalawa ni Stephen. Halatang nakikinig sa usapan naming dalawa. Alam kong magtatanong 'to  kung sa'n kami pupunta. Chismoso 'tong isang 'to e.

"Lagnat  lang naman 'to. Kaya ko namang magtrabaho." nilakasan ko yung boses ko nag marinig ni Kuya.

"No." mariin niyang sabi.

Nagsimula na siyang kumain. Hindi pa ako nagugutom. Dahil na rin siguro sa wala akong panlasa kaya wala akong ganang kumain. May sakit ako pero gusto ko talagang umalis. Ganun naman kasi talaga ang kadalasan kong ginagawa noon kapag may sakit ako. I have this feeling kasi na mas lalo lang akong magkakasakit kapag nandito lang ako sa bahay.

"You're not touching you're food, Annie."

 Natauhan ako sa mariin na pagkasabi ni Stephen.

Umismid ako at nagsimula ng kumain. medyo nakakaramdam na ako ng gutom pero naiilang akong kumain dahil sa mga tingin nila. Mabuti na lang at walang alam si Andrew sa mga nangyayari ngayon.

Mariin at matalim ang tingin sakin ni Kuya at kay Stephen. 

"Uhm, kuya... Mawawala pala ako sa condo ko ng ilang araw."

 kumunto ang noo niya. "Where are you going?"

 Magsasalita na dapat ako nung bigla sumabat si Stephen. "Hindi nga tayo matutuloy. Magpahinga ka na lang ."

"Kaya ko naman. and its my job." Masungit kong sabi.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 15, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Young LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon