Annie's POV
"Ganito na lang ba palagi,Annie?"
Napatingin ako sakanya habang siya naman ay nasa malayo ang tingin.
"Hanggang dito na lang ba talaga? Hindi na ba talaga pwede? Bakit ba hindi pwede?" Napasabunot siya sa sarili niyang buhok. Tinignan niya ako,mata sa mata.
Nag-iwas ako ng tingin. "Just.. Hate me,curse me...iwasan mo na lang ako hanggang maari...Forget everything about me.." kinagat ko yung labi ko. "Ng sa ganun ay hindi ka na mahirapan."
"Tingin mo ba madali ang lahat ng iyon? Nagawa ko na yan noon e. Sinubukan ko na,pero ano? Diba,wala parin?"
Tumahimik ako.
Pa'nong wala siyang alam sa mga nangyayari? Magkatabi lang yung mga bahay namin,Tita niya yung kabit ng papa ko.
"Annie, I Lov--"
"Don't."
Napapikit ako habang hinahabol ko yung hininga ko.
"Stop. I don't want to hear it." mas lalo lang akong nahihirapan.
Tumayo ako at aalis na sana nung bigla niyang hiniwakan yung kamay ko at pinigilan ako. Tumayo din siya at hinila ako papalapit sakanya at niyakap ako.
"Five minutes... pagkatapos nito,kakalimutan na kita."
"Annie,tara na. Aalis na tayo." sigaw ni Kuya sakin galing sa labas.
Inayos ko yung buhok ko at kinuha yung bag ko tapos ay lumabas na ako.
"Late ka na naman nagising." ginulo niya yung buhok ko kaya napasimangot ako. Tinaboy ko yung kamay niya at nauna na sa sasakyan.
Dun ako sa may bandang pinakalikod ng sasakyan. Isa-isa namang pumasok sila Kuya.
"Mommy,can i sit beside ate annie?" napalingon ako sakanila nung narinig ko yung maliit na boses ng kapatid ko,si Andrei.
Napalingon silang lahat sakin. Ngumiti ako,a weak one.
"Okay lang Annie?" tanong ni tita.
Years have passed. I graduated,silently. Sa mga taon na lumipas nag-iba yung buong buhay ko. Naging okay kami ni Grace matapos ang ilang linggo. Normal ulit. From time to time,natatanggap ko na si Tita. When their wedding happened,ilang buwan akong mas naging tahimik at hangin sa bahay. Mas lalo akong nagalit kay papa. But it changed,nung dumating si Andrei,my half brother.
Tumango ako. "Come here,Drei."
Lumiwanag yung mukha niya at ngumiti nang super laki. Umupo siya sa tabi ko habang hawak-hawak niya yung ipad niya. Nagsimula ng siyang maglaro habang dumadaldal parin.
"Drei,mamaya ka na lang muna maglaro." i slowly tap his head.
"Why?" tinignan niya ako,nakapout.
"Playing while the car is moving is not good for your eyes. Do you want to wear glasses? Look like a nerd?"
"No." umiling-iling siya at binigay sakin yung ipad.
Ngumiti ako at tinago yung ipad. Kinuha ko yung aviators ko at sinuot ito.
"But,Ate?"
"Hmm?" Napatingin ako sakanya.
"Wearing glasses is cool,like how Kuya Lyndon is cool in his glasses. Right?"
Natigilan ako. Dahan-dahan akong tumango. "Y-yes." napatingin ako kaila Kuya,they're all looking at me. Maybe because narinig nila yung sinabi ni Andrei. I smiled at binaling yung atensyon ko sa kapatid ko. "But,it would be cooler kapag wala kang glasses and healthy yung eyes mo." ginulo ko yung buhok niya.
BINABASA MO ANG
Young Love
JugendliteraturNagsisimula ang lahat sa 'Infatuation' tapos nagiging 'crush' mo na. And as the time goes by, you'll say that you're 'Inlove'. Thinking that everything happening to you was like a 'Fairytale'. You found your 'Prince' and thinking that you were his '...