Chapter 33

141 3 1
                                    

Annie's POV

Napatigil ako nung nakita yung bruhilda ng buhay ko.

"Invited pala siya, Stephen?" tanong ni Ate lyka.

Napakibit-balikat si Stephen.

They know her?

Magka-ano ano ba sila? What is she doing here?

Napatingin sakin si Stephen kaya napa-iwas ako ng tingin. Tinuon ko yung pansin ko sa pagkain. Kumain ako,kahit iba naman talaga ang gusto kong gawin. Maliban sa gusto kong umalis dito, gusto kong sabunutan at sampalin yung babaeng iyon.

Napahigpit ako sa hawak ko sa fork ko.

"Okay ka lang?" tanong ni Stephen. "Kanina ka pa tahimik ah?"

Tumango ako. "Oo, okay lang ako." Tumayo lang din ako. "Excuse lang, powder room lang ako."

Hindi pa sila nakakasagot ay mabilis ko ng tinungo yung CR.

Stephen's POV

Bumalik si Annie ng medyo pula yung mata niya.

"Umiyak ka ba?"

Umiling siya ng hindi tumitingin sakin.

Sigurado akong umiyak 'to. Pero bakit? Tungkol parin ba dun sa trendlist? Impossible naman ata kung ganun. Hindi naman siya ganun kababaw para umiyak dahil sa isang fandom war.

Tinignan niya ako at ngumiti ng tipid. 

"Bakit?" tanong ko.

"Ha?"

"Bakit ka umiyak?"

Napaiwas siya ng tingin. "Hindi naman ako umiyak."

"Ba't namumula yang mata mo? 'wag mo sabihing humithit ka nng drugs dun sa cr?" biro ko.

Napa-irap naman siya. "Hindi naman kasi."

"Eh yang ilong mo? 'Wag mo sabihing may sipon ka kaya namumula yan?"

Tinignan niya ako ng masama "Wag kang ngang chismoso."

Napakunot-noo ako. "Hindi ako chismoso noh. I was just seeking for some updates."

"Ano ka? Fanboy? Fan?" she chuckled.

"Bakit? Fan lang ba ang may karapatang maghanap ng update?

Napakibit-balikat naman siya. "I don't know."

Tumingin siya sa stage, kung saan andun sila Ate Shay at yung groom niya.

"Bakit nga?" kinalabit ko siya.

"Wala nga. Ang kulit."

"Talagang kukulitin kita kapag hindi mo sinabi." seryoso kong sabi.

Young LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon