Padabog na may tumapon ang isang folder sa desk ko. Nag-angat ako ng tingin kay Vanessa.
"Pinapabigay ni sir." Umirap siya at umalis.
Bumuntong hininga ako at kumuha ng tissue. I'm not feeling well today. Kailangan pumasok kaya andito ako.
Kinuha ko yung folder. Isa na namang project.
"May lagnat ka Annie ah!" Hinawakan ni Sandy yung noo ko. "You're hot."
"I know." Biro ko.
Tumawa siya pero agad din namang nagseryoso.
"Umuwi ka na lang muna. Take a rest."
Umiling ako. Ayoko.
Kapag uuwi ako ng bahay,mababagot lang ako dun. Wala akong gagawin. At mag-isa lang ako dun. Mas lalo lang akong magkakasakit dun.
"Madami pa akong kailangan i-design." Dahilan ko.
Nagmura siya. She's cursing Stephen. "Humanda sakin tong instik na 'to. Sa susunod na araw na yung punta niyo sa Palawan,but still you're bombarded with projects!"
Ngumiti lang ako. I have nothing to do with it.
Pagkatapos ng trabaho. Napagdesisyonan kong wag na munang umuwi. Dumaan ako sa isang flower shop.
"Hello." Bungad ko ng tumawag si Stephen.
"Where are you?"
"If you're going to ask kung naasan ang mga designs,nandun na sa desk mo. Maayos na yun. All you have to do is pipili ka kung ano ang nagustuhan. Now, kung may--"
"I'm asking where are you. Hindi yung designs mo." Iritado ang kanyang boses.
Napa-irap ako sa hangin. "I'm in a flower shop. Pupunta ako sa puntod ng mama ko."humina ang boses ko. Di ko alam kung bakit.
"Who's with you?"
His questions is annoying. Pero nagawa ko padin siyang sagutin.
"I'm alone." Literally, and emotionally.
Biglang naputol yung tawag. Umupo ako sa hood ng sasakyan ko while waiting for my order. I'm in my long sleeves. Masama talaga yung pakiramdam ko.
"'Wag ka ngang magpaulan."
Napatingin ako sa paligid. Kumunot yung noo ko. Tinignan ko yung langit. It's raining,pero hindi malakas.
"Pa'no mo nalaman--"
"Kay ate Shay 'tong flower shop na 'to." Hinila niya ako papasok.
The workers greeted him. Tango lamang ang tanging sagot niya.
"Paki-una yung order niya please." Sabi niya dun sa cashier.
Mabilis namang naibigay yung order ko.
"Ano bang kailangan mo?-"
"Pasok sa sasakyan." Binuksan niya yung shot gun seat ng sasakyan niya.
"What about my car--"
"May maghahatid niyan sa condo mo."
Hindi na ako nagreklamo. Labag sa loob akong pumasok sa sasakyan niya. Tahimik lang ako habang nakayakap sa jacket kong suot.
BINABASA MO ANG
Young Love
Teen FictionNagsisimula ang lahat sa 'Infatuation' tapos nagiging 'crush' mo na. And as the time goes by, you'll say that you're 'Inlove'. Thinking that everything happening to you was like a 'Fairytale'. You found your 'Prince' and thinking that you were his '...