Chapter 34

68 1 0
                                    

Stephen's POV



Napatitig ako kay Annie. Nakatuon yung pansin niya sa sketch pad niya. She looks frustrated,parang may problema kasi super gigil siya sa mechanical pencil na hawak niya.


Nandito kami sa may burol, kung saan kita yung buong syudad. Inaya ko siyang magdate pero sabi niya gusto niya muna sa tahimik na lugar. Ayaw niya daw ng masyadong maraming tao.


Pumayag narin ako. Isang buwan na lang, matatapos na yung class namin. Isang buwan na lang din ay babalik na ako sa Taiwan. Gusto ko lang siyang makasama ng mas matagal ngayon.



"Itigil mo muna yan,kain muna tayo." inilabas ko yung mga pagkain na dala namin sa loob ng picnic basket.




Narinig kong napabuntong hininga siya. Marahan niyang nilapag sa gilid niya yung sketch pad niya at kumuha ng prutas.



Napasimangot ako. Alam ko,ramdam kong may mali. Ang tahimik niya nung mga nagdaang araw. Ngayon naman ay pansin kong medyo namumugto yung mata niya. Parang buong gabi siyang umiyak. Madalas ko siyang tinatanong kung may problema ba siya, o kung okay lang siya pero tanging tango at 'i'm fine' lang yung nakukuha ko tapos ay tatahimik na siya agad.



"May dumi ba ako sa mukha?" kinuha niya yung panyo niya at pinunasan yung bibig niya.



Ginulo ko yung buhok ko tapos ay tumabi ako sakanya. Gusto ko siyang comprontahin kung anong problema niya, kaso sa tuwing tinatanong ko siya, minsan ramdam kong naiinis na siya. Hinahayaan ko na lang, kasi ayaw kong magalit ulit siya sakin. Pero kasi,iba na 'to ngayon.



Hinawakan ko yung kamay niya nung bigla siyang napaflinch. Nagulat ako nung may sugat siya sa kamay niya. Medyo fresh pa ito at namumula pa. "Anong nangyari dito?" seryoso ko siyang tinignan.



She pressed both of her lips. Napailing siya. "Wala 'to. Malayo lang yan sa bituka."



"Bakit ka may sugat?"



May nangyayaring masama, at hindi ko alam kung ano yun.



"N-nahulog kasi yung baso kaninang umaga ng bigla ko itong natabig, p-pinulot ko yung bubog kaya a-ayan."



Tinignan ko siya ng mabuti kaya napayuko siya. Hindi iyon ang dahilan.



"Bakit ka umiyak?"


Young LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon