Annie's POV
"ba't mo sinabi yun?" gulat na tanong ni grace.
"Anong masama dun? Sinabi ko lang yung totoo best!" i exclaimed.
"pero Mali parin!" napasigh siya. "you know what? Hindi malayong magkalabuan.kayo sa ginawa mo."
Napa iling ako. "Magkalabuaan na ng magkalabuan, hindi ko naman kasalanan yun. Kung hindi siya naging OA edi sana. Sana okay pa kami ngayon. "
"At kung hindi ka lang sana naging insensitive. Okay pa kayo."
napaismid ako. "Bahala. After ng ilang araw? Kakausapin din ako nun."
"Pa'no kung hindi?" napatingin ako sakanya. "Pa'no kung sumuko yun sayo? Annie, hindi malabong mangyare yun."
Napakibit balikat na lang ako. "Kung mahal niya talaga ako, he will never give up on me no matter what i might do."
"Hayy naku pride." tumayo siya sabay tumingin sa paligid. "Ba't ang hirap mong lunukin. nkuuu..." medyo na e.ewan niyang sabi.
3weeks na kasi kaming hindi nag-uusap ni stephen.
Pero kahit ilang buwan, taon pa niya akong hindi kakausapin, hindi ko siya susuyuon. Kahit umabot pa kami sa dulo ng forever. NEVER.
Kinuha ko yung phone ko. pero agad ko din naman itong binalik. wala namang nagtetext.
--------------
Pag-uwi ko sa bahay.
"KUYA ANO NA NAMAN BA ITO?!" sigaw ko.
Ang gulo gulo ng sala, andaming basAg na gamit pa bote ng alak.
Hindi naman niya ako pinansin. Patuloy lang siya sa pagtunga ng beer na hawak-hawak niya.
"KUYA!" sigaw ko ulit. "ANO BA?! HINDI KA BA TITIGIL?!"
Tumayo siya at tinapon yung bote. "IKAW ANG TUMIGIL! INAANO BA KITA?! HA?!" sigaw niya pabalik sakin.
"PINAPALAKI MO LANG YUNG SITWASYON EH! KUNG UMUWI KA NA LANG SA DAVAO! MAG-ARAL KA DUN! AYUN! MAS MAKAKATULONG KA PA KAY MAMA! PARE-PAREHO LANG KAYO NI PAPA EH! PERWISYO SA BUHAY-"
*pak*
Nangmanhid yung katawan ko kasabay ng pagkatumba ko sa sahig.
Napahawak ako sa pisngi ko.
"Wag na wag mo kong tinutulad sa walanghiyang yun!" sabi niya habang dinuduro-duro niya ako. "Hindi mo alam kung gaano ako nahihirapan sa sitwasyon natin ngayon!"
"Kung nahihirapan ka! Mas lalo naman ako!" pinunasan ko yung luha ko. "Ako yung bunso dito! Kuya! Ako! Wala ako nung iniwan tayo ni papa! Pero ako yung nag-adjust! Habang kayo... Habang kayo sinasampal sakin na mas nasaktan kayo! Mas may karapatan kayong magalit! KUYA! Nasaktan din naman ako! Masakit din dito... *turo sa bandang puso ko* "
"TUMAHIMIK KA!" sabi niya sabay sinampal ulit ako. "Matagal mo ng alam kaya hindi ka nahihirapan! HINAYAAN MONG AHASIN YUNG BAHAY NATIN!"
"Nahihirapan ako! Pero hindi ko pinapakita! Para kay mama! Para sa inyo! Ang gusto ko! Ipakita ko kay papa na nagkamali siya na iniwan nila tayo!" tumayo ako. "Pero hindi ko alam kung paano ko pa gagawin yun, kung kahit kayo. Kahit kayo binabalewala na ako!"
Kinuha ko yung bag ko sabay tumakbo ako sa itaas.
Sinirado ko yung pinto.
Napaupo ako sabay niyakap ko ng mahigpit yung mga tuhod ko.
BINABASA MO ANG
Young Love
Teen FictionNagsisimula ang lahat sa 'Infatuation' tapos nagiging 'crush' mo na. And as the time goes by, you'll say that you're 'Inlove'. Thinking that everything happening to you was like a 'Fairytale'. You found your 'Prince' and thinking that you were his '...