Chapter 40

56 3 0
                                    

Pagkatapos ng sagutan namin ni boss, hindi ko na ulit siya nakausap. Araw-araw ko siyang nakikita. At sa tuwing andyan siya ay tumatahimik na lamang ako.

Pinagdidiskitahan ako ni Vanessa. Palagi siyang may inuutos sakin pero hindi ko naman sinusunod kaya mas lalo ata siyang nanggigigil.

"Annie,gawan mo nga ako ng kape." Utos ng bruha.

Napairap ako habang nakatingin sa screen ng computer. Nagdedesign ako ngayon, cramming na nga ito kasi bukas na yung presentation namin para sa isang investor.

"Busy ako,gumawa ka dun."

Akala niya naman magpapasindak ako sakanya. E kung yung boss nga namin nagawa kong bombahan ng bibig ko,siya pa kaya na katrabaho ko lang. Tss.

"Ano ngayon kung busy ka?" She spanked my desk.

Kumulo yung dugo ko. Napatayo ako ng padabog at tinignan siya ng masama. "Pwede ba! I'm not your secretary, you're not boss. Kaya wag mo kong utusan!"

"Aba! Nagtataray ka na ulit?" She suddenly slap me hard. She smirked.

"Vanessa!" Sigaw ng iilang katrabaho namin.

Nandilim yung paningin ko. Hindi ko alam kung paanong nangyari basta ang alam ko ay nakita ko na lang ang sarili kong dalawang beses na sinampal si Vanessa. Sinuklian niya ako ng kalmot at sabunot.

"Ang kapal ng mukha mo!" Sigaw niya.

Sinampal ko siya. Sa gilid ng aking mga mata ay nakikita ko na yung dugo sa braso kong nakalmot ni Vanessa.

Tinulak ko siya dahilan para matumba siya. Napahawak ako sa braso ko.

"Ano na namang kaguluhan toh?"

Napapikit ako. Naghahabol ng hininga at iniindi yung hapdi ng sugat ko. Dahan-dahan kong idinilat yung mga mata ko. Tumambad sakin ang galit na mukha ni Stephen at ang nagtatakang si Ate Lyka.

Napaiwas ako ng tingin.

"She do it first, Sir! Inuutusan niya kasi akong gawan siya ng kape kaya lumaban ako!"

"You liar!"

"Annie!" Pinagalitan niya ako.

Napayukom ako ng kamay. At tis moment, all i want to do is punch his face.

"Nakikipag-away ka naman--" pinutol ko siya.

"Binaliktad niya ang storya! Hindi ko siya inutusan! And i don't drink coffee!"

"Oh shut up! Why would I do that?" Umirap si Vanessa sakin.

Young LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon