Annie's POV
"Annie!"
Napalingon ako sa sumigaw.
Napangiti ako. At tumakbo papunta sakanya at niyakap siya ng super higpit.
"Di mo naman ako masyadong namiss noh?" biro ni grace at niyakap ako pabalik.
Kakapasok lang namin sa bahay nila Stephen. Dito kami dumeretcho galing sa burol. Ayaw ko munang umuwi sa bahay. Hindi naman nagpumilit si Stephen kaya dumeretcho kami dito.
Kumalas ako sa yakap at tinignan siya. "Ba't andito ka sa bahay nila Stephen?"
"Sabi niya pumunta daw muna ako dito. Nandun na ako kanina sa bahay niyo, nung biglang nagtext yang jowa mo."
Tinignan ko sandali si Stephen ng nakangiti. Lumapit siya sakin at inakbayan ako. "Sana naman gumaan yung pakiramdam mo kahit papano." he tapped my head then kissed my forehead.
"Ang tahimik ng bahay niyo,anyare?"
Hinila ko siya patungo sa kwarto.
"At bakit namumugto yang mga mata mo?"
Umupo ako sa kama ko at dun na umiyak. I need her right now.
Sinabi ko sakanya lahat ng nangyari.
"Anong plano mo ngayon?"
"Lalayuan ko na muna si Stephen." sagot ko.
"Ano?Ulit? Annie, unfair naman yung sa part niya. Lalayuan mo ulit siya dahil lang sa Tita niya yung kerida ng papa mo?"
"Yun yung tama. Hindi pwedeng maging kami."
BINABASA MO ANG
Young Love
Teen FictionNagsisimula ang lahat sa 'Infatuation' tapos nagiging 'crush' mo na. And as the time goes by, you'll say that you're 'Inlove'. Thinking that everything happening to you was like a 'Fairytale'. You found your 'Prince' and thinking that you were his '...