Chapter 15

273 3 0
                                    

Stephen's POV

"Lil bro. Ayaw mo talagang sumama sa'min ni Ate Shay mamasyal?" tanong ulit ni ate Lyka.

Umiling ulit ako. "Ayoko. Matutulog na lang muna ako." tapos pumunta ako sa kwarto ko.

It has been 2 weeks since umalis kami sa Pilipinas.

Two weeks of no communication with her.

She even blocked me in Facebook.

Maybe gusto na niya talaga akong kalimutan.

"Ano? Magmumukmok ka na naman dito sa loob ng kwarto mo?" napatingin ako kay Ate Shay na nakatayo sa pintuan ko.

I frowned. "Umalis na lang kayo. Gusto ko magpahinga."

"Woah. Kung makapagsabi ka ng pahinga kala mo may ginagawa dito sa bahay." asar niya. "Kung gumawa ka na lang kasi ng skype account para makausap mo yung mga kaibigan mo. 'Di sana nag eenjoy ka na sa new environment natin dito sa Taiwan? Hay naku."

Inirapan ko lang siya. "Para sa'n pa? Hindi ko naman sila gustong makausap." i murmured.

Bigla akong binatukan ni Ate. "Ilang beses na kaming nag-uusap ni Annie thru Skype, at ilang beses ko na rin sinabi na pwede mo siyang kausapin. Pero ayaw mo parin. Tapos ngayon, magmumukmok ka diyan dahil namimiss mo siya."

"Hindi ko siya namimiss. Move on ate pwede?"

"Whatever. Alis na kami. Just text us na lang kung gusto mong sumama."

Hindi ko siya sinagot. Humiga na agad ako sa kama.

Napatingin ako sa laptop ko sa table. Wala naman sigurong masama makipag-usap diba? Saturday ngayon. Same time zone pa din naman.

Kinuha ko yung laptop ko tapos bumalik din ako agad sa kama.

Annie's POV

"OY. okay ka lang? Hello?" napashrug ako nung bigla winagayway ni Grace yung kamay niya sa mukha ko. "Tulala ka na naman."

"Huh? Hindi ah."

"Miss mo na siya noh."

Mabilis akong umiling. "Hindi rin noh. Yuck. Kadiri."

"Ba't defensive yung tono mo? Ako pa talaga yung niloko mo. Sus."

"Hindi nga. Tulala ako kasi kulang ako sa tulog. Ang daming nagrequest na gumawa daw ako ng bagong art. Nakakastress."

Nagmakeface lang siya tapos binayaran na namin yung mga pinamili namin.

Nandito kasi kami sa NBS. Like what i said, nagrequest yung school namin na gumawa ako ng mga art piece. May mga exhibit kasi. And i don't know how, pero bigla na lang akong pinatawag and then they told me about this thing.

Ewan. Pero magandang opportunity na rin 'to. Okay na rin.

*Bzzt. Bzzzzt.*

Napatingin ako sa Phone ko. Unknown number.

"Open your Skype account. ASAP. I want to talk to you." Basa ko.

Bigla akong sinundot ni Grace. "uyyy, may kachat ka na pala ngayon sa Skype ha. lemme guess. It's HIM. Ayyiieee."

I rolled my eyes. "Ewan. Unknown number. Impossibleng sakanya. Philippine number 'to."

She rolled her eyes. "Malay mo. Hindi pa nagpapalit ng number. Hello? It's just two weeks since umali-"

"I know. And I don't care." nauna na akong lumabas sa store.

"Duh! Bitter!" sigaw niya habang sumusunod sakin palabas.

Young LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon