Chapter 16

299 3 0
                                    

Stephen's POV

"Hi Annie."

"Goodmorning. Gising ka na ba?"

"Reply ASAP."

"Oyyyyyyyy. Kanina ka pa hindi nagrereply."

Napafrown ako. Four days na siyang hindi nag-o-online. Last naming usap eh yung una naming pag-uusap through skype. Ginulo ko yung buhok ko. "Kabanas naman oh" bulong ko sa sarili ko.

"Hay nako. Hay nako." napatingin ako kay ate lyka. "Para kang baliw."

Inirapan ko siya. "Gwapo ko namang baliw." sagot ko. Nagrequest uylit ako ng video call kay Annie.

"Itigil mo nga yan. Busy yun ngayon."

hindi ko siya pinakinggan. Patuloy lang ako sa pagchat kay Annie.

Kinuha ko yung phone ko. Tinawagan ko siya. Pero, wala parin. Ayaw sagutin.

Siguro nga, busy siya.

Annie's POV

"Annie, mamaya na 'yan. Kumain na muna tayo." sabi ni Grace.

Umiling ako. "Hindi pwede. Kailangan ko 'tong tapusin ngayon. Mamaya na yung deadline nito." I said while typing my report in my laptop.

"Bibilhan na lang kita na pagkain. Dito na lang tayo kumain."

Tumingin ako sakanya. Then i shrugged. "'Wag na. Kakain ako mamaya promise."

Tinignan niya muna ako. "Bahala ka. Basta mamaya, sabay tayong uuwi."

"Grace sorry talaga. Matatagalan ako ng uwi mamaya. Ireready ko na yung mga gagamitin sa exhibit. Bukas na yun eh."

"May pwede ba akong matulong?"

Napa-iling ako. "Salamat, pero kaya ko na yun. Andun naman sila Ate Shay mamaya."

"WHAT? Si Ate Shay?!"

Tumango ako tapos nagsimula na ulit magtype. "Isa siya sa mga organizer ng event."

Napaismid siya. "Bakit ba kasi kailangan may ganyang exhibit pa."

"Malaking tulong 'to para sa school natin. At----"

"Blah blah blah blah. Oo na. Sige alis na ako. Nagrereklamo na yung mga alaga ko sa tiyan ko."

tumawa ako habang siya naman, umalis na.

------------------

"Annie!" napatingin ako sa sumigaw. Then i smiled.

"Ate shay."

Lumapit siya sakin, then she hugged me.

"uhmm. Hi ate." naiilang kong sabi. Kumalas ako sa yakap niya. "Magsimula na po tayo."

"Wait. Bago tayo magsimula, ipapa-alam ko lang na makakasama natin si Harold for the preparation of the event."

Napatingin ako sa likod niya, andun si Harold, nakangiti.

Tumango na lang ako tapos nagsimula na ako sa pag-aayos.Kinuha ko yung kahon na may laman na figurines.

"Ako na diyan."Biglang sabi ni Harold sabay hinawakan niya yung kamay ko. Umatras naman ako, sabay binigay ko sakanya yung kahon.

"Sige, pakilagay nalang niyan dun sa may lamesa."

Tumango siya tapos sinunod naman niya agad ako.

Kinuha ko na lang yung mga pintura. Pumunta ako sa freedom wall dito.

Marami-rami narin ang nakalagay dito.

Young LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon