Chapter 42

77 1 0
                                    

Pagkatapos kong magluto sa kanyang kusina ay inayos ko na yung mesa.

Kumatok ako sa kanyang kwarto. Nakabukas ito ng kaonti and I saw her lying in her bed. Dahan-dahan akong pumasok.

Tulog siya at mugto yung mata. Umupo ako sa gilid ng kanyang kama at hinawi yung buhok na nakatakip sa mukha niya.

She's still the Annie I've met years ago. Yung masakitin at independent. Pero hindi siya kasing hina ng akala ko. She's worst than I've thought.

Bigla siya gumalaw at dumilat ng konti. Ngumisi ako.

"Bakit?" Dahan-dahan siyang umupo.

Magulo pa ang kanyang buhok. Umiling ako. Tumayo ako at inabot sakanya yung kamay ko. Tinignan niya ito ng nakakunot-noo. Inaya ko siyang kumain.

"Ano ba yan!" Pinalo niya yung kamay kong may hawak ng serving spoon.

"Alam kong kukuha ka rin ng maraming pagkain, sa sarap ko ba namang magluto!" Inirapan ko siya at nilagyan pa yung plato ng ulam.

Napahalukipkip siya habang nakasandal sa upuan niya. Ansama pa ng tingin niya dun sa pagkain. Umiling siya at nagsimula nang kumain.

Umkt yung tingin ko sa loob nng condo niya. Simple lang ang design neto kesa sa inaasahan ko. Knowing her,mahilig siya sa arts. Kahit hindi siya maghire ng interior designer ay mapapaganda niya yung condo niya.

"Nagskesketch ka pa?" wala sa sarili akong napatanong.

Tumango siya habang kumakain.


Annie's POV

Napansin ko ang pagtingin niya sa loob ng condo ko. Akala niya siguro ay paliliguan ko ng kung ano-anong design. Yun din kasi ang akala ni Grace. Ibang-iba kasi ito sa kwarto ko dati na maraming nakadikit na poster sa dingding. Ngayon isang simpleng kwarto lang. ang naiba lang ay ang kama ko,may drawer kasi ito sa ilalim na parang lalagyan ng mga gamit. Dun ko tinatago yung mga libro na nagawa ko at yung ibang mahahalagang bagay sakin. Walang nakakaalam nun. Kahit kay Grace ay hindi na sinabi.

"Wag ka ng pumasok ngayon." kinuha nya yung remote ng tv at binuhay ito.

Pumayag na rin ako.

Pumunta ako sa kwarto ko at nilock ito. Naligo ako at nag-ayos. Nakahoodie ako na color white at jogging pants naman sa baba. Pinusod ko yung buhok ko at lumabas na. Pumipikit-pikit ng konti si Stephen habang nakatingin sa tv.

"Umuwi ka na." tinapunan ko siya ng unan.

Umismid siya at umiling. Kinuha niya yung unan na tinapon ko sa kanya at nilagay sa ulo niya. May plano pa ata tong matulog dito e.

"Hoy,layas na!"

Inirapan niya lang ako. Pinikit niya yung mata niya. Pinagmasdan at hinintay ko kung ano ang susunod niyang gagawin kaso,nakatulog na ata. Ngumiwi ako. Umupo ako sa sofa na hinihigaan niya,dun sa may bandang gilid ng bewang niya. Tinapik ko yung pisngi niya. Ngayon ko lang napansin na nakabihis na pala siya. Umuwi ba 'to kagabi?

"GISING!" kinurot ko yung pisngi niya.

Napabuntong hininga ako nung tinaboy niya lang yung kamay ko. Hindi ko na ata mapipigilan 'tong boss ko.

"Tita..." nanuyot yung lalamunan ko nung tumawag si Tita,step mom ko.

"I just want to check you. Masama daw kasi ang pakiramdam mo sabi ni Stephen. Okay ka lang ba? Uminom ka na ba ng gamot."

She sounded like she was my mom,but she will never be. Hindi ko pa rin nakakalimutan yung ginawa nila sa mama ko. How can I forget?

"Yes po. Don't worry about me." Napatingin ako kay Stephen na ngayon ay nakikinig na at nakatingin sakin.

May iilan pa siyang tinanong sakin. Mabilis rin naman natapos yung usapan.Okay naman sana siya e. Kung hindi lang siya naging kabit ng papa ko.

Nagulat ako nung bigla akong hinila ni Stephen papalapit sakanya. Niyakap niya ako ng sobrang higpit. Nanatili akong tahimik habang yakap-yakap niya ako.



"Chrome." sinapak ko siya.


Humalakhak siya at inayos yung pagkakahiga ko. He rested my head in his chest habang yakap niya parin ako. Hindi ako pumalag,dahil lolokohin ko lang ang sarili ko kapag sasabihin kong hindi ko nagustuhan yung yakap niya. After so many years, ngayon ko lang ulit naramdaman na hindi ako mag-isa.

Tinanggal niya yung pagkakapusod ng buhok ko. Sinimulan niyang paglaruan yung pisngi ko. It makes me feel dizzy.

"Ang tahimik mo talaga kapag may problema."

"Bakit mo naman nasabi?"

I felt him smirked. "Naalala ko lang yung dati... Ganito ka din katahimik nun e."

Biglang nang-init ang gilid ng aking mga mata. I don't know kung ano yung tinutukoy niya sa mga sinasabi niya ngayon. Kaso,yung naiisip ko ay yung nung mga panahon na iniiwasan ko siya. Tahimik, walang imik. Yun yung ginawa ko bago ko siya muling tinaboy.

Umamba akong tatayo pero hinigpitan niya yung yakap niya sakin galing sa likuran.

"Where are you going? Nagmomoment na ako dito, tapos iiwan na naman ulit ako?"

Biglang may kung anong kurot ang naramdaman nang narinig ko ang biglang pagpiyok ng boses niya. Dapat ay lilingon ako sakanya. Ngunit ay pinigilan ko ang sarili ko. Dahan-dahan ang ginawa niyang pagkalas sa yakap niya.

Young LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon