Annie's POV
"Good Morning!" bati niya sakin pagkaupo na pagka-upo niya.
Tumango naman ako. "Morning." sinubsob ko yung mukha ko sa desk ko. Ayaw ko siyang maka-usap. >_<
"Ohh. asan na yung good? Badtrip ka na naman ba?"
"Nevermind. I just want to sleep. Gisingin mo na lang ako kapag andyan na sa Miss."
"wooh. May tinatamad." asar niya. tumingin siya sakin na medyo tumatawa.
Inirapan ko lang siya. "Wag ka ngang mang-asar. Hindi nakakatawa."
"Okay Chrome."tapos tumawa ulit siya.
(-_-)
"Yeah. Whatever" pinikit ko yung mga mata ko.
Ramdam kong sinusundot-sundot niya yung braso ko. "eto naman, ang high blood. Di ka na talaga mabiro." Hindi ko siya pinansin. Instead, mas lalo kong pinilit yung mga mata ko na matulog. Ayaw ko talaga siyang makausap. "Hey. Nagjojoke lang naman ako."
tinabig ko yung kamay niya. "Ano ba. 'Wag ka nga. Asar." iritado kong sabi.
medyo minulat ko ang aking mga mata para makita siya. "Annie naman eh. Joke nga lang yun." umupo ako ng maayos. "Hindi ko naman alam na meron ka pala ngayon." napatingin ako sakanya while frowning.
Pinalo ko siya sa braso niya. "Kainis ka talaga. Wala ako ngayon noh."
Bahagya niyang ginulo yung buhok niya na para bang kinakamot niya ito. "Sorry, PMS pala yung peg mo ngayon--- aww." agad kong hinila yung buhok niya sabay sinabunutan ko siya ng ilang beses.
"Kung wala kang magandang sasabihin. Just shut up.." tinuon ko yung pansin ko sa board. Pero pansin ko din na may mga kaklase akong nakatingin samin. Pinandilatan ko naman sila ng mga mata. Leche, kung makatingin ay parang nanonood ng nakakaewan na TV show. (-_-)
PAnsin kong napatahimik si Stephen while nakapout. "Ang brutal mo." reklamo niya ng pabulong. Hindi ko naman siya pinansin. Ayaw ko nga siyang maka-usap diba? tss.
/////////////////
"What do you want to eat?" tanong niya sakin.
"I'm still full. Thank you." tinuon ko yung pansin ko sa libro na hawak ko.
Kasama namin sila Lester and Lance. As well as, Grace and Myrelle.
"Annie, sige na. Libre ko." Bulong niya sakin.
Lester: "Libre daw oh! Chicken at Cheese burger akin tapos coke in can bro!"
Lance:" Steak at milk shake tapos saliham mo na rin ng Coke akin bro!"
Napatingin kaming dalawa sakanila. Napailing na lang akong tumatawa.
"Oy, tawa ka ng tawa diyan. Ano nga gusto mo?"
Umiling ako. "Busog pa ako." Then nagbasa ulit ako ng libro.
" Busog pa daw." he murmured. Tinanong niya sina Grace kung ano yung gusto nila. "Tara, tulungan niyo ko dun." sabay tinapik niya sina Lester.
Pagka-alis na pagka-alis nung tatlo, "Sis, ano meron? LQ na naman kayo ulit?" tanong ni Grace.
"Anong LQ pinagsasabi mo diyan?"
She rolled her eyes. "Duh, LQ as in LOVERS QUARREL."
Napangiwi ako sa sinabi niya. "I know, pero hindi naman kami 'Lovers' noh."
"Hindi PA SA NGAYON. hahahahaha."
"Tumahimik ka nga, pahalikan kita kay Lance eh." nanlaki yung mga mata niya tapos nagpout bigla.
BINABASA MO ANG
Young Love
Teen FictionNagsisimula ang lahat sa 'Infatuation' tapos nagiging 'crush' mo na. And as the time goes by, you'll say that you're 'Inlove'. Thinking that everything happening to you was like a 'Fairytale'. You found your 'Prince' and thinking that you were his '...