Chapter 2

869 7 1
                                    

YOUNG (2)

Nung medyo feel ko na okay na ako.

Kahit MEDYO lang.

Lumabas na ako ng CR.

Pagbalik ko dun saktong recess na kaya dali-dali kong kinuha yung bag ko.

"Annie, tara na."sabi sakin ni grace, bestfriend ko.

Tumango naman ako.

"Ms. Aguilar. After you take your recess. Bumalik ka agad dito. We have something to discuss."

Bigla naman akong kinabahan sa sinabi ni miss. Pero in the end tumango na din ako.

"Tara na grace."

Tumango naman siya.

Napatingin ako sa room."si myrelle?" Tanong ko sakanya.

Ganito kasi yun. Tatlo kaming talagang magkakasama. We're like the triplets ng room. Pero hindi naman kami masyadong maingay.

Nagkibit-balikat naman siya. "Ewan ko ba dun. Absent na naman."

Lumabas na kami ng room. "Baka hindi na naman nakabayad ng tuition."sabi ko.

"Siguro."

Dumeretcho kami sa canteen. Bumili lang kami ng pagkain.

Tapos naghanap na muna kami ng table.

"Alam mo grace? Kung ako sa nasa kalagayan ni myrelle? Baka hindi ko kayanin." Tapos umupo na ako.

Gumaya din naman siya. "Yun nga din eh. Ngayon ko lang naisip. Na ang swerte parin natin."

"Oo nga. Natandaan mo yung sinabi niya kahapon? Na baka last year na niya dito sa school? Grabe."

"Oo nga, parang kulang na ata tayo 'pag ganun."

"At ang hirap din kaya kapag madalas kang late kung mag-exam. Hirap mag cope sa mga subject."

"But still, we can't blame her. Even her parents, kung yung lang talaga yung kaya. Hindi sa minamaliit ko sila ha."

"I know, i know."

Napabuntong hininga na lang kami pareho.

"Uy. Yung kanina ah. First time in the history yun ah."

"Sa lahat ba naman ng pwede mong ipa-alala yun pa? Kainis."

"Kainis daw? Baka nga mamaya , isa ng araw sabihin mo ng may crush ka na dun sa chinitong yun." Asar niya.

"What? Baliw ka ba? Never noh. He's not my type."

"Ano ba type mo?"

"Type ko? Simple lang naman. First of all dapat matalino. Not literally na magaling sa academics. Well, kasama na yun. Yung tipong marunong mag-isip kung ano ang pwedeng mangyari sa future."

"Hmm. Slight check. Next?"

Slight check? Tss.

"Pangalawa dapat, mas mataas sakin."

"Check."sabay nag smile siya.

Napafrown naman ako dun.

"Sino na naman ba yang iniisip mo?"

"Walaaa. K, proceed Mrs........."

May sinabi siya pero hindi ko narinig kasi medyo pabulong yun.

"Ano yun?" Sabay tinaasan ko siya ng kilay.

"Wala nga. Next na."

"Tsk tsk. Pangatlo, yung music lover. Yung magaling sa mga instruments. Bahala na't hindi lahat. Basta marunong. Hmm. *hands on chin* pwedeng guitara. Oo yun, dapat magaling mag guitara tapos tuturuan niya ako ^_^ marunong din dapat kumanta. Well, yung kahit hindi maganda yung boses niya kakanta parin siya dahil gusto ko. Yung ganun."

Young LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon