Nang sumunod na araw ay absent ulit si Ethan.
Hindi ko mapigilang mag-alala sa kanya.
Pasulyap-sulyap ako sa upuan nya, baka sakaling lumitaw sya.
Okay na kaya sya?
Malamang hindi. Mag-aabsent ba sya kung okay na?
Pano kaya kung bisitahin ko sya?
Tutal.. Magkaibigan na daw kami di ba?
Pre-occupied ako hanggang sa mag-bell na para sa Break Time.
Naiinis ako sa sarili ko. Dapat nakikinig ako sa klase. Dapat ingatan ko ang scholarship ko. Hindi yung natutulala ako dahil lang sa absent si Ethan.
Napansin ni Yerry ang pagiging tulala ko kaya naman nung nasa cafeteria kami ay walang tigil sya sa pagtatanong.
"Ba't ba ang tahimik mo ha? Jyn! Tulala ka pa!" Singhal niya.
"May iniisip ako." Sagot ko sa kanya sabay nguya ng pagkain ko.
"Ano na namang iniisip mo?" Tumaas ang kilay nya.
Sasabihin ko ba?
Naisipan ko namang sabihin na lang. Itatanong ko na din sa kanya ang address ni Ethan.
Dumungaw ako sa kanya at sinabing nag-aalala ako kay Ethan. Bulong lang iyon at baka may makarinig.
"Ano?" Gulat pero mahina ang pagkakatanong nya.
Yumuko ako dahil sa kahihiyan.
"Teka nga, anong meron? Crush mo?" Taas kilay ulit sya.
Namula ako pagkasabi nya ng crush.
"H-hindi. Nagkakamali ka. Magkaibigan kami."
"Kayo ni Ethan? Friends? Kelan pa?"Natatawa pa sya habang ngumunguya. Hindi ata sya naniniwala.