Bumalik ako sa kwarto ni Ethan at nang nasa tapat na ako ng kwarto niya ay naririnig ko ang boses ni Fern. "Then why is she visiting you?" Aniya at humagikhik.
Nakabukas ng kaunti ang pinto. Hindi ko sila nakikita pero sapat na iyon para marinig ang pinag-uusapan nila.
Mukhang ako ang tinutukoy ni Fern. Nanatili akong nakatayo doon dala-dala ang tray. Humilig ako sa pader na katabi ng pinto.
"Because she's my friend. Stop it Fern." Naiirita ang tono ni Ethan. Ganto nya tratuhin ang kapatid nya?
"Oh really. How about ate Natalie? Is she still your friend?" Makulit na tanong ni Fern.
Nagkaroon ng katahimikan.
Ate Natalie? Sino yon?
"Shut up Fern, go to your room!" Maawtoridad ang boses ni Ethan sa kabila ng pagkapaos nito.
Naguguluhan man ay pumasok na ako sa kwarto ni Ethan nang di nagpapahalata na nakinig ako sa usapan nila.
Hindi na dim ang pagkakabukas ng ilaw. Nakasandal pa rin si Ethan sa headboard ng kama nya na galit ang mukha. "Okay. Bye." Nginitian muna ako ni Fern bago umalis.
Nangangati akong tanungin si Ethan tungkol doon sa Natalie. Bakit ganun sya makasigaw dahil sa tanong ni Fern?
Bumuntong hininga si Ethan bago bumaling sa akin. "What took you so long? I'm starving."Paos pa rin ang boses nya.
Aba't kasalanan ko ba na hindi ka kumain kanina? Nakakairita ha. Hindi ko sya sinagot at tahimik na inilapag ang tray sa mini-table nya.
"Kumain ka na." Nakatayo lang ako doon.
"Feed me. I'm sick." Aniya at humalukipkip.
Ano ka, prinsipe?
"Pwede ba Ethan. Hindi ka nabalian, nagkalagnat ka lang." Inirapan ko sya. Hindi ko alam kung bakit ganito ang inaasta ko. Basta, naiinis ako.
Lumabi sya. "Please." Nagmamakaawa ang mata at boses nya. Anong nahithit nito at ganto 'to umasta? Gayunpaman ay nanlambot ang puso ko. Nadala ako sa pagmamakaawa ng namumutla nyang mukha.
Nag-iwas ako ng tingin at kinuha ang kutsarang may kaunting kanin at sabaw.
Itinapat ko iyon sa bibig nya. Ngumiti muna sya bago iyon isinubo.
"A-aw. Ma.. init." Aniya habang at gumusumot ang mukha.
Natawa ako. "Sorry." Pinaypayan niya iyong dila nya. Tumawa ulit ako. Ang cute nya.
"Stop laughing." Inagaw niya iyong kutsara at kinuha ang mangkok. Hinipan nya muna iyon bago nilantakan. Gutom na gutom nga sya.
"Ba't kasi di ka kumain?" Pinagmamasdan ko lang syang kumain.
Nagkibit balikat sya.
Umupo ako sa gilid ng kama nya.
Nakita ko iyong cupcakes. "Ayaw mo nito?" Inubos muna nya ang kinakain nya bago tingnan ang tinuturo kong cupcakes.
Inilapag nya ang mangkok at kinuha nya iyong tupperware at tinitigan ang cupcakes. Nag-iwas ako ng tingin. Nabasa nya ata ang sinulat ko doon.
Kumuha sya ng isa at inalok ako. Nakita kong yung may heart ang kinuha nya. Napalunok ako at kinuha iyong may smiley face.
Katahimikan. Pinagmasdan ko iyong kwarto nya. May balcony pala sya. May maliit na sala din sya. May sofa katapat ang TV. Dirty white ang kulay ng kwarto nya.