Kabanata III

19 1 0
                                    


Napalingon ako sa pinto at nakita ko ang tatlong babaeng naghahalakhakan papasok sa room ko. Malamang mga kaklase ko ito.


"Oh! Hello there my dear classmates!" Sigaw ng isa sa tatlong pumasok.Yun ata ang lider-lideran sa kanila. Sa kanilang tatlo ay siya ang umaangat. Napapalingon sa kanya ang mga kaklase kong lalaki.

Napansin ko namang marami na pala kami na nasa loob ng classroom.


Nilibot ng tingin ng babaeng sumigaw ang buong silid. Napadako ang tingin nya sa akin at pinanliitan ako ng kanyang mata.

Pamilyar sya.

Habang inaalala ko kung saan ko sya nakita ay lumapit sya sa akin kasunod ang kanyang dalawang kasama. Mukhang maaarte ang mga 'to.

"Transferee?" Tanong nya sa akin.

Tumango naman ako.

"Siguro naman kilala mo na ako. Because I'm famous inside and outside this school. You know me right?" Maarte nyang tanong sa akin.

"Hindi pa eh." Sagot ko sa kanya. Yun naman ang totoo eh. Mahinang tumawa ang mga kaklase ko pati na din ang kasama nya.

"WHAT?" Nagulat naman ako sa sigaw nyang yon.

Sino ba 'to? Hindi naman nakapagtataka kung sikat nga sya dahil maganda sya. Pang modelo ang tindig nya.

Inirapan nya lang ako at tinaasan ng kilay bago sila umupo ng mga kasama nya malayo sa kinauupuan ko.

Dahil sa inasal nyang 'yon ay naalala ko na kung saan ko sya nakita.

Sya yung babaeng nakita ko malapit sa bahay namin na inirapan ako nung nakaupo ako sa may labas ng aming bahay.


Late na nag umpisa ang klase. Hindi nga ata klase ang tawag dun. Pinakopya lang sa amin ang oras at teacher namin sa bawat subjects.

Mayroon ding mga liban. Alam siguro nilang walang klase sa unang araw ng pasukan.


Break Time. Hindi ako pumunta sa cafeteria dahil hindi naman ako nagugutom. Kumain ako sa bahay bago pumunta sa school.

Nag iikot-ikot ako sa school para naman hindi ako magmukhang loner sa room.

Wala pa rin kasi akong kilala sa mga kaklase ko.

Halos lahat sila ay may kanya kanyang grupo ng kaibigan. Namimiss ko tuloy si Coreen.

Napunta ako sa likod ng building namin kung saan may maliit na parang garden.

Naupo ako sa maliit na bench sa tabi ng mga halaman. Madaming puno dito pero hindi kalakihan. Nagkalat ang iba't ibang halaman at bulaklak sa paligid.

Naaalala ko dito ang probinsya namin.

Nilibot ko pa ang tingin ko at nakita ko sa bandang dulo ang pinakamalaking puno dito sa school garden.

Sa lilim nun ay may nakahigang estudyante mukhang natutulog.

Naglakad ako papunta doon at umupo sa tabi ng nakahigang lalaki.


Ang braso nya ay nasa likod ng ulo nya at ang isa naman ay nakapatong sa kanyang noo.

Pinagmasdan ko ang mukha nyang tulog na tulog.

Mahaba ang pilikmata nya. Matangos ang kanyang ilong at nakaawang naman ang manipis nyang labi. Hindi naman pulang pula ang labi nya. Nasa pagitan ng pula at pink ang kulay nito.

Napahanga naman ako sa features ng kanyang mukha.

Ang magulo nyang buhok ay nakakadagdag pa ng appeal sa kanya.

Matagal ko pang pinagmasdan ang itsura nya at naghanap ng pimples pero wala eh. Alagang alaga ang balat nya.

Baka bakla 'to? Sayang naman.

Nakaupo pa din ako sa tabi nya.

Ano kayang section nito?

Nakita ko ang I.D. nya sa may bandang dibdib nya at akma ko yung kukunin nang dahan-dahang gumalaw ang mga braso nya.

Napatingin ako mata nyang unti-unting dumidilat. Chinito pala sya. Mas pogi sya paggising. Napatulala tuloy ako sa kanya.

Ang mga chinito nyang mata ay napatingin sa akin at sa kamay kong nakabitin sa ere na dapat ay aabutin ang I.D. nya.

Naramdaman ko ang pagpula ng pisngi ko at dali-daling binaba ang kamay ko.

Kumunot ang noo nya at mabilis na tumayo.

"Why are you here?" malalim ang boses nya.

Sinagot ko sya nang nakatingala sa kanya dahil nakaupo padin ako.

"Kasi dito ako sa school na 'to nag-aaral?"

Nanatili syang nakatingin kaya iniwasan kong tingnan ang mga mata nya. Nakakalunod ang titig nya. Masyadong perpekto ang mukha nya kaya nakakailang.


Mabilis akong tumayo. Ngunit tumingala pa rin ako dahil sa matangkad sya. Hanggang itaas ng labi nya lang ako.

Kumunot lalo ang noo nya.

"Tss. One of my stalker huh?" Nakangisi nyang tanong. Hindi na nakakunot ang noo nya.

Nanlaki ang mga mata ko sa kanya.

Ako? Stalker nya?

Ang kapal naman pala ng mukha nito.

Pero pwede din.

Ang gwapo nya kaya!

Napatawa naman ako ng mahina sa naisip ko.

Kumunot uli ang noo nya dahil sa pagtawa ko.

"Crazy. Tss."

Humakbang na sya paalis ng garden. Habang ako ay nakatingin sa likod nya.

Kahit likod nya may dating. Bahagyang napaawang ang bibig ko at nanatiling pinagmasdan ang pag-alis nya.

Hanggang sa lumiko na sya at di ko na nakita.

PossibilitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon