Kasalukuyan kong inaayos ang mga gamit ko sa aking kwarto. Bagong lipat lang kami dito sa syudad dahil kami ay galing sa probinsya namin sa Albay.
Hindi naman kalakihan ang bahay na tinutuluyan namin ngayon.
Actually, bahay ito noon ng aking Tita na kapatid ng nanay ko. Nakapag asawa kasi ng Amerikano ang Tita ko kaya ngayon ay nasa Amerika na sila naninirahan. Malaki ang pasasalamat namin sa kanila dahil sa pagpapatuloy nila sa amin dito. Sila pa mismo ang pumunta sa amin sa Albay upang sabihin na dito na kami manirahan sa bahay nila sa Maynila. Pumayag na si Mama dahil gusto din niyang makapag-aral kami sa Maynila.
Pinagmasdan ko ang kwarto ko. Maliit ito pero komportable ito para sa'kin. Kumpara naman doon sa bahay namin sa probinsya ay mas malaki ito at mas maganda ang mga kagamitan.
Natapos kong ayusin ang mga damit ko sa maliit na drawer. Sinulyapan ko ang oras sa aking cellphone. 7:44 AM.
I-chinarge ko na din dahil nakalagay dun na 17% na lang ito. Buong biyahe namin papunta dito ay tulog ako kaya naman hindi ako inaantok.
Lumabas ako ng aking kwarto upang magsaing. Isang palapag lamang ang bahay pero may hagdanan pa din pababa pero mga 3 steps lang. Nakita ko si Inay na nagwawalis sa may pinto habang ang kapatid kong si Warren ay tulog na tulog sa sofa na hawak hawak ang PSP.
Buong biyahe kasing naglalaro ng PSP na bigay ni Tita. Sinulyapan ko ang PSP nya at nakita ko ang 'GAME OVER' doon. Tsk tsk.
"Jyn, mag-enroll ka na mamaya sa Pereste Academy. Dyan lang yon sa kabilang barangay." Sabi ni Inayhabang papunta sa kusina at nagluto ng almusal.
"Samahan mo na din yang si Warren mag-enroll sa bago nyang school malapit sa school mo."
"Sige po." Bumalik ako sa aking kwarto at naligo na.
Nagbihis ako ng pantalon at simpleng T-shirt lang. Tinernuhan ko ito ng flip flops. Simple lang akong manamit dahil sa hindi ako marunong magterno ng damit. Bukod dun, puro T-shirt, polo shirt at pantalon lang ang aking mga damit.
Pagkababa ko papunta sa kusina ay nakita kong kumakain na sina Warren.
"Warren, bilis-bilisan mo dyan. Mag e-enroll tayo." Sabi ko sa nakababata kong kapatid. Feel na feel nya kasi ang pagkain eh. Tss.
Binelatan nya lang ako. Kaya naman inirapan ko na lang sya at nagsimula na akong kumain.
Inaantay ko ngayon si Warren matapos sa pagligo. Dinaig pa ang babae sa bagal sa pagligo. Habang nakaupo ako dito sa bangko sa labas ng aming bahay ay binuksan ko ang cp ko dahil sa may 3 messages ito.
From Coreen:
Jyn kamusta? Nakarating na ba kayo sa Maynila?
From Coreen:
Uy babae, ano na? Madami bang pogi dyan? Hanapan mo ako ha! Hihihi
'To talagang so Coreen. Matalik ko syang kaibigan sa probinsya. Nireplyan ko agad sya.
To Coreen:
SLR. Oo, nandito na kami sa Maynila. Lukaret ka talaga. Wala pa akong nakikitang pogi dito. Di pa ako lumalabas ng bahay. BTW, mag eenroll pa lang ako maya maya :)
Binuksan ko ang isa pang mensahe.
From Jake:
Jyn my loves, Di mo sinabi sa'king aalis kayo dito. Bakit mo ako iniwan :( Balik ka agad dito ha. Love you :*
Napairap ako. Tss. Si Jake ay kaklase ko dun sa probinsya. Matagal nang nanliligaw sa akin. Maaasahan naman sya kaso mayabang. Sobrang yabang.
Itinago ko na ang cellphone ko sa maliit na bag na dadalhin ko sa pag e-eenroll.
Lumabas ako sa maliit naming gate at pinagmasdan ang paligid. Malalaki ang bahay sa katapat at katabi namin. Hindi tulad sa probinsya na nagkalat ang mga kapitbahay at nagkukwentuhan at nagtatawanan, dito ay padaan-daan lang ang mga sasakyan sa kalsada at ang mga taong nakikita kong dumadaan at halatang may mga pupuntahan.
Sumulyap ako sa loob ng bahay at nakitang nagbibihis na si Warren.
"I'm on my way. "Did you saw Ethan there? Really? Okay, okay. Bye."
Napalingon naman ako sa nagsasalita sa katabi naming bahay.
Nakita ko ang isang babae na sa tantya ko'y ka-edad ko lang. May kausap sa kanyang cellphone na IPhone. Maganda siya, mukhang modelo at may mahaba pero may curl na buhok. Nakasoot sya ng high waist na white short at naka-tuck in ang soot ng pantaas.
Ay ewan, hindi ko alam ang tawag sa suot nya dahil hindi naman ako fashionista'ng tulad nya. Halata sa kanya eh. Naka heels pa.
Napansin nya ata akong nakatingin sa kanya kaya lumingon sya sa gawi ko at tinaasan ako ng kilay. Pinasadahan nya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Napatingin tuloy ako sa suot kong walang wala sa "fashion" nya. Paglingon ko sa kanya ay inirapan nya lang ako at sumakay na sa kotse nya na mukhang nag aantay sa kanya sa may gate ng malaking bahay nila.
Ang taray! Palibhasa mayaman. Eh di ikaw na nga ang maganda, ako na ang. . Ano nga ba? Average?
Oo, Average.
Napahagikhik ako sa iniisip ko. Kasabay nun ang paglabas ng kapatid kong nakatingin sa akin at umiiling-iling.