Kabanata X

19 0 0
                                    

"Hold this." Inabot nya sa akin yung nakuha nyang stuff toy.

Pagkakuha ko nun ay agad pinindot ni Ethan ang 'start' button.

I-shinoot nya ang unang bola at pumasok iyon.

Sunod-sunod ang shoot na iyon dahilan para kabahan ako.

Magaling pala sya.

Matatalo ata ako.

Nakagat ko ang ibabang labi ko.

Umiling ako at tiningnan ang time.

5 seconds left.

4

3

2

1..

Natapos sya at ang score ay 81.

Nakangisi syang lumingon sa akin.

Hindi man lang pinagpawisan.

Mukhang confident talaga siya.

"Your turn." Aniya at umalis sa harap nung ring habang ngising-ngisi pa din.

Ngumiti ako sa kanya.

"Hold this." Inabot ko sa kanya yung stuff toy gaya nung pag-abot nya sa akin kanina. Ginaya ko din ang pagkakasabi nya.

Napatawa ako nang bumusangot sya.

Inabot nya iyon at naghulog ulit ng token.

Humugot muna ako ng malalim na hininga bago pinindot ang start button.

Go for the win, Jyn! Sigaw ko sa isip ko.

PossibilitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon