Kabanata XIX

65 5 2
                                    

From:Ethan
What are you doing?

Halos mabutas na iyong dulo ng kumot dahil sa pagkagat ko nito dahil sa pagpigil ng sigaw.

Hindi ko alam kung bakit ganito ang reaksyon ko sa simpleng text lamang ni Ethan. Hindi ko din mapigilan ang pagngiti.

Nakadapa ako sa kama ko habang katapat ang notebook ko sa Math.

Sinusubukan kong sagutan ang assignment namin pero karamihan ay hindi ko makuha ang sagot.

Hindi din ako makapagsagot ng ayos dahil sa sobrang nalilibang ako sa pagtext kay Ethan.

To:Ethan
Nagsasagot ako ng Math.

Matagal bago ko sinend iyon. Ayokong mahalata nyang atat na atat akong katext sya. Kahit sa totoo ay halos mapasigaw na ako sa kilig.

From:Ethan
Want me to help?

Nagtataka man ay ngiting ngiti pa rin akong nagtatype.

To:Ethan
Pano? sa text?

Naalala kong magaling pala sa ganito si Ethan. Tapos na siguro nyang sagutan itong assignment namin kaya patext text na lang sya ngayon.

Mabilis na nagreply si Ethan.

May iba pa kaya syang katext? Nakagat ko ang labi ko. Hindi ko mapigilang mag-assume na ako lang ang katext nya.

From:Ethan
Skype?

Tutulungan nya akong magsagot through skype? Pwede ba yon?

Pakiramdam ko ay pulang pula na ako ngayon lalo pa at naaalala ko iyong paghatid ni Ethan sa akin dito sa bahay.

To:Ethan
Wag na. Wala kaming internet.

Napangahalumbaba ako sa reply ko at bumaling muli sa pagsosolve. Tinitigan ko lamang iyon.

Napapangiwi ako sa mga nakikita kong equations. Pano ba 'to? Tsk.

Napabuntong hininga ako.

Muntik na akong tumalon ng magvibrate ang cellphone ko.

Ethan calling....

Mabilis na tumibok ang puso ko. Ba't sya tumatawag?

Magkatext naman kami ah.

Inabot ko iyon at matagal bago sinagot.

Hindi umiimik si Ethan kaya naman ay ako na ang unang nagsalita.

"Uy, Hello?" Nakagat ko iyong hintuturo ko habang inaantay ang sagot sa kabilang linya.

"Hey." Inantay kong dugsungan nya ang sagot nya pero paghinga na lang muli nya ang naririnig ko.

Ganun pa man ay ngiting ngiti akong hawak hawak ang cellphone ko.

"Bakit ka tumawag?"

Matagal muli bago sya sumagot.

"Nothing. I just want to talk to you." Nai-imagine kong nagkibit balikat pa si Ethan nang sabihin iyon.

"Magkatext naman tayo ah." Nakanguso kong tanong. Humiga na ako at tumingin sa ceiling ng kwarto ko.

"You don't want?" Narinig ko ang tampo sa boses ni Ethan nang tanungin nya iyon.

Inilayo ko iyong cellphone bago impit na sumigaw habang tinatakpan ng unan ang mukha ko.

Pakiramdam ko ay pulang pula na ako.

"Hindi yon ang ibig kong sabihin.. Anong.. ginagawa mo?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 29, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PossibilitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon