Kabanata VIII

14 0 0
                                    

Tahimik sa loob ng kotse ni Ethan.

Sinulyapan ko si Ethan na nakaheadset at nakapikit na nakasandal sa kanyang kinauupuan.

Iniwas ko agad ang tingin ko dahil baka makita ako ng driver nya.

Kinuha ko ang cellphone ko sa bag ko at i-tinext ko si Inay na male-late ako ng uwi.

Binalik ko agad iyon sa bag at tumingin sa bintana.

Busy ang mga taong dinadaanan namin.

"Do you know how to bake?" Gulat akong napatingin kay Ethan na ngayon ay nakatingin sa akin.

Akala ko natutulog sya.

"A-ah. Hindi eh. Hehe." Awkward kong sagot.

Katahimikan ulit.

"You're a transferee?" Basag nya sa katahimikan.

"Oo." Tumatango kong sagot. "Galing kaming probinsya."

Tumango din sya.

Umawang ang bibig ko para magsalita pero hindi ko alam ang sasabihin ko kaya di ko na itinuloy at tumingin na lang ulit ako sa labas ng bintana.

Papasok na ang kotse sa parking lot ng isang Mall.

Pagka-park ay lumabas na si Ethan sa kotse at sumunod naman ako.

"Leave your bag inside." Sabi ni Ethan na agad kong sinunod.

"Aantayin ko po kayo Sir?" Tanong ng driver nya.

"No. Una na ho kayo." Sabay abot ni Ethan ng pera doon. Pamasahe ata.

"Pero sir.. Baka pagalitan ako ng mommy nyo."

"I can handle myself. Just tell her this is important." Sabi nya sa driver at kinuha na ang susi doon.

Napakamot na lang sa ulo yung driver.

Important daw.

Parang nagwawala ang mga paru-paro sa tiyan ko.

Wag ka ngang assuming Jyn!

Important yung mga bibilhin.

Bulong ng isip ko.

"Let's go." Baling sa akin ni Ethan.

"Ok." Sumunod ako sa kanya papasok ng Mall.

Nang makapasok kami ay naglilingunan ang mga babae kay Ethan.

Madaming nagbubulung-bulungan at naghahagikhikan habang nakatingin sa kanya.

Nakakaagaw ng pansin ang kagwapuhan ng kasama ko.

Nakapamulsang naglalakad si Ethan at parang modelo ng uniform namin kung maglakad.

Binagalan ko ang lakad ko para hindi ako magmukhang alalay ng prinsipeng kasama ko.

Dumiretso kami sa Supermarket ng mall.

Inilabas ko na ang maliit na recipe book at tiningnan ang mga ingredients para sa gagawin naming cupcakes.

Hinigit naman ni Ethan ang isang cart sa gilid.

"Dun tayo." Turo ko kay Ethan sa side ng mga pangluto.

Lumiko sya papunta doon.

Isa-isa kong hinanap ang ingredients habang nasa likod ko si Ethan na nagtutulak ng cart.

"Uy Ethan, pre!" May lumapit na lalaki kay Ethan at nakipaghigh five.

"Grey."

Lumingon ako sa kanila.

Nilagay ko ang hawak-hawak kong harina sa cart na itinutulak ni Ethan.

Nakangising tumingin sa akin iyong Grey.

Sa mukha nya palang ay halatang playboy na. Makisig sya at halos magkasingtangkad sila ni Ethan. Mukhang may lahi sya dahil sa brownish niyang mata.

"Girlfriend mo?" Tanong nya kay Ethan.

Ramdam kong namula ang pisngi ko.

"She's my classmate."

Ouch. Classmate daw.

"Hello, Ms. beautiful. I'm Grey." Nag-offer sya ng handshake habang nakangisi.

"Hello Grey. Ako si Jyn." Ngumiti ako sa kanya at tinanggap ang kamay nya.

Nagulat ako ng tinapat nya ang kamay ko sa bibig nya at marahang dinampian ng halik iyon.

"It's a pleasure to meet you Jyn." Ngumiti sya ng nakakaloko.

Pakiramdam ko ay nagblush ako sa ginawa nya.

"Stop your shit Grey!" Untag ni Ethan sabay hablot sa kamay kong hawak ni Grey.

Mabilis syang naglakad habang hawak ang kamay ko kaya napasunod ako sa kanya.

Nasa kabilang kamay nya naman ang cart.

"But I you said she's just your classmate!" Tumatawaang saad ni Grey.

"Get a life!" Sigaw ni Ethan kaya napatingin sa amin ang ibang tao sa Supermarket.

Nilingon ko si Grey at nakitang paalis na ito habang nakangising umiiling at kumaway sa akin.

Sinulyapan ko ang kamay kong hawak ni Ethan.

"A-ah. E-ethan." Huminto si Ethan sa paglalakad at nakita nya ata ang tinitingnan ko kaya mabilis nyang binitawan ang kamay ko.

"Sorry." Aniya at napansin kong namumula na naman ang tenga nya.

Tumawa ako dahil sa pamumulang iyon.

"Why are you laughing?" Magkasalubong ang kilay nya nang tanungin iyon.

"Wala." Nakangisi kong sagot at inumpisahan ulit na kuhanin ang mga ingredients na nakasulat sa recipe book na dala-dala ko.

"Tss." Masungit nyang sagot.

PossibilitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon