Kabanata VI

47 1 0
                                    

Pagkabalik sa room ay maingay ang grupo nila Rachelle.

Nagkukumpulan sila at nagtatawanan.

Ang iba ko namang kaklase ay tahimik na nagsusulat.

Bumalik ako sa upuan ko kasunod si Yerry.

Simula nung naging close kami ni Yerry ay sa tabi ko na sya umuupo.

Nang nakaupo na kami ay bumaling si Rachelle kay Yerry habang patuloy sa pag-uusap ang mga kasama nya.

"Yerry!"

Tumingin sa kanya si Yerry.

"Bakit?"

Nakinig ako sa usapan nila.

"It's my birthday on Saturday. And since walang pasok ay may party sa house. Wanna come?" Tanong nya.

"Kay." Sabi ni Yerry.

"Overnight yun ah. Bring some extra clothes."

"Whatever." Ani Yerry.

Bumaling ulit si Rachelle sa mga kausap nya.

Hindi nya pinansin ang pagtataray ni Yerry.

"Jyn, yung assign sa Math pakopya."

Hinalungkat ko ang bag ko at binigay kay Yerry iyong notebook ko.

Nagsimula syang magsulat.

May party pala si Rachelle.

Hindi na ako nag-eexpect na imbitahan nya dahil siguradong pangmayaman lang yon.

Kahit hindi ko pa nakikita ang bahay nila Yerry ay alam ko nang mayaman sya.

Hindi naman siguro sya makakapasok sa ganitong school kung hindi.

Hindi naman sya scholar.

Kaya siguro sya inimbita ni Rachelle.

Pero kahit mayaman si Yerry ay hindi nya pinangangalandakan iyon.

Mapapansin lang sa mga gamit nya.

"Rachelle, si Ethan pupunta sa party?" Tanong nung isa sa mga kausap ni Rachelle.

"Yep." kinikilig na sagot ni Rachelle.

"Ayieeeee." Kantyaw nila kay Rachelle na namumula sa kilig.

Natahimik lang ang room nang pumasok si Ethan.

Hindi din nagtagal ay pumasok na ang Math teacher namin.

Pagkatapos nyang i-check ang mga assigment ay nagkaroon kami ng surprise quiz dahilan para mapabunsangot ang ilan sa mga kaklase ko.

Nakasagot naman ako dahil nag-aral ako kagabi.

Kahit nung nasa probinsya kami ay ganun ang ginagawa ko.

Isa-isang binanggit ng teacher namin ang aming apilyedo at ni-record ang scores.

"Astre?"

"7 po."

"Atore?"

"9."

Patuloy ang pagbanggit ni Ma'am.

Isa sa mga napansin ko sa mga kaklase ko ay pa-easy easy lang ang karamihan sa kanila.

Palibhasa rich kids.

Except sa iilang nerds sa room na'to.

Nakikinig lang ako sa mga scores at hinihintay ang pagbanggit sa apilyedo ko.

"Valdrez?"

"10 mam."

"Yazon?"

"15."

PossibilitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon