Kabanata IV

25 1 0
                                    

"Physics is the study of matter and energy and their relationships and. ."

Blah blah blah.

Patuloy sa pagdi-discuss ang teacher naming si Ms. Reyes tungkol sa Physics.

At hindi ako nakikinig sa kanya.

Hindi ko mapigilang mapatitig kay Ethan.

Si Ethan.

Sya ang lalaking nakita ko sa garden ng school na 'to. Kaklase ko pala sya.

Kunot noo syang nakikinig sa teacher naming talak ng talak.

"Physics has its two. ."

Tumatango pa sya minsan. Ang cute nyang tingnan.

Malayo sya sa kinauupunan ko kaya side view nya ang nasisilayan ko mula dito sa upuan ko.

Nakakaagaw ng pansin ang jawline nya.

Hindi lang ako ang sumusulyap sa kanya.

Halos lahat ng babae sa room na'to ay tumitingin sa kanya habang nakaawang ang kanilang labi.

Napapansin kaya nya 'yon?

Natigil ang pagmumuni-muni ko nang mapatingin sya sa gawi ko ng nakakunot ang noo.

Napansin ko namang hindi lang sya ang nakatingin sa akin.

Pati mga kaklase ko.

Anong meron? Tanong ko sa isip ko.

Kumunot ang noo ko at binalik ang tingin kay Ethan.

"MS. VERDA!" umalingawngaw ang sigaw na iyon ng teacher namin sa buong room.

PossibilitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon