Kabanata XI

13 1 0
                                    


Kinaumagahan late akong pumasok sa school dahil ako ang naghatid kay Warren.


Maagang umalis si Inay at binilin sa akin iyon.

Halos tumakbo na ako sa corridor.

Pagdating ko sa room ay agad akong umupo sa upuan ko katabi si Yerry


Saktong tumunog ang bell.

Hiningal ako dun.


"Ba't late ka?"

Inayos ko muna ang bag ko bago sumagot kay Yerry.


"Hinatid ko pa kasi yung kapatid ko."

Pumasok si Ms. Reyes sa room at nagcheck ng attendance.


Tumingin ako sa upuan ni Ethan at walang nakaupo dun.


Absent sya?


Nakumpirma ko iyon nang walang sumagot nung tinawag ang apilyedo nya.


Bakit sya absent?

Ngayon kami magbe-bake sa TLE.


"Absent si Ethan? But why?" Maarteng tono ni Rachelle.

Bumaling sa akin si Yerry. "Di ba partner kayo sa baking natin?"


Tumango ako sa kanya na may halong kaba. "Nasa kanya yung mga gagamitin namin."


Inisip ko na lang na baka late lang sya at dadating sya maya-maya pero nanlumo ako nang TLE na namin ay walang Ethan na nagpakita.

Gusto kong magmura, manabunot, umiyak..

Hindi ko na alam.

"Hala Jyn, sumama ka na lang sa amin ni Harold." Tukoy ni Yerry sa partner nya.

Umiling na lang ako at umupo.


"Poor yah!" Sigaw ni Rachelle sa kin.

Naiiyak ako lalo.

"Shut up!" Singhal ni Yerry kay Rachelle.

Hanggang sa umalis na ang mga kaklase ko para pumunta sa kitchen room ng school.


Habang ako ay nanatiling nakaupo.

Parang pinipiga ang puso ko.


Naalala ko ang sinabi nya kahapon. 'Let's be friends'

Siguro ay binibiro nya lang ako.

Lalo akong nalungkot sa naisip ko.


May kaibigan bang nang-iiwan sa ere?


Nakakainis na nakakaiyak.

"J-jyn!" Natigil ako sa pagdadrama nang marinig ko ang boses ni Ethan.

PossibilitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon