Kabanata XVII

18 2 0
                                    

Mabagal akong naglalakad papasok sa gate ng school namin habang inaayos ang aking naka-ponytail na buhok.

Agad naaninag ng mata ko ang isang lalaking nakaupo sa bench malapit sa gate ng school. Si Jasper iyon at nakapangalumbaba. Nakapatong iyong siko nya sa binti nyang nakadekwatro. Nakayuko sya at tinititigan ang kanyang sapatos.

Ba't sya nakaupo dyan?

Nakikita ko ang mga babaeng napapatingin sa gawi nya. Hindi na nakapagtataka. May itsura sya. Nakakaagaw pansin ang aura niya. Pati na rin sina Mark, Kyle at Dylan na ngayon ay hindi nya kasama.

Ipinagpatuloy ko ang paglalakad ko nang umaangat ang tingin ni Jasper at nakita ako. Tumango ako sa kanya at nagpatuloy sa paglalakad. Naramdaman ko ang mabilis nyang pagtayo at humabol sa akin na ipinagtaka ko.

Akala ko ba ay may inaantay sya?

"Jyn, sabay na tayo." Aniya nang nasa tabi ko na sya at nakisabay sa paglalakad ko. Nilingon ko ang nakangisi na naman nyang mukha.

"Huh? May inaantay ka ata." Nag-iwas sya ng tingin at kinamot ang batok nya.

"Oo.. sila.. Mark. Ang tagal nila. Sabay na lang tayo." Ngumisi muli sya. Normal na ata sa kanya ang pagngisi. Tumango ako.

Napansin ko iyong tinginan ng ilang estudyante sa amin ni Jasper habang naglalakad kami.

"Kuya Jasper, Please me, please! Kyaaaaah!" Sabay kaming napalingon ng katabi ko sa mga sumigaw. Grupo iyon ng mga estudyanyeng mukhang second years dahil sa necktie nilang iba ang kulay sa aming mga seniors. Nakaupo sila sa lilim ng puno sa gilid at kilig na kilig na humihiyaw.

Kinawayan sila ni Jasper at nginisian. "Iba na talaga pag gwapo." Bulong nya sa akin. "Yabang." Sagot ko sa kanya.

Well, may ipagyayabang naman talaga sya.

Kilala na pala ang banda nila sa school. Pero hindi man lang nabanggit ni Yerry sa akin iyon.

Paakyat kami papunta sa palapag ng room namin nang makasalubong namin sina Rachelle na pababa ng hagdan.

Napairap sya ng makita ako. Hindi ko iyon pinansin dahil na din sa mga sinasabi ni Jasper.

"So, close na kayo? That's good!" Humagikhik sya. Napailing na lang ako sa inasta nya.

"Bakit? Ayaw mo?" Nabaling ang tingin ko kay Jasper na ngayon ay nanlalaki ang mata sa akin. "Well, it's okay." Nag-iwas sya ng tingin.

"Anong ayaw ko?" Tanong ko sa kanya. Nakarating na kami sa palapag kung nasaan ang room ng seniors. Saan ba ang room nila Jasper?

"Sabay tayo maglunch.. nila Kyle." Tumigil ako sa paglalakad. Ilang hakbang na lang bago ang room ko.

"Yun ba? Si Yerry kasi kasabay ko." Kinamot nyang muli ang batok nya at sumandal sa katabi nyang pader.

"Eh di.. sasabay kami sa inyo ni Yerry." Napaisip ako bago um-oo. Siguradong papayag iyong babaeng iyon dahil kay Kyle. Pero di ko lang alam, baka inaya na sya non.

Naaninag ng mata ko ang papalapit na si Ethan sa likod ni Jasper. Papasok sya sa room kaya malamang ay dadaanan nya kami. Nakasalpak ang kanyang headset sa tainga nya at nakapamulsang naglalakad.

Mabilis akong yumuko nang nagkatinginan kami. Wala na namang reaksyon ang mukha nya.

Naalala ko iyong nangyari noong Sabado.

Ano na namang iisipin nya?

Hindi ko dapat concern kung anong iisipin nya. Walang namamagitan sa amin kaya dapat ay hindi ako mangamba sa nararamdaman nya.

PossibilitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon