Kabanata VII

16 0 0
                                    

Nang sa wakas ay nakapasok na ako sa library ay may iilang estudyante doon.

Merong mga tumatambay at ang iba ay nagbabasa.

Dumiretso ako sa table ng librarian na si Mrs. Mando at sinulat ang pangalan ko sa log book.

"Mam." Tawag ko sa librarian pagkatapos isulat ang pangalan ko.

Busy ito sa pagsusulat.

"Oh?" Sagot nya nang di ako nililingon.

"Ah mam, pwede po bang maaga akong umuwi ngayon? Bibili po kasi kami ng ingredients para sa baking namin sa TLE bukas."

Nilingon ako ni Mrs. Mando.

"Ganun ba? Sige. Tutal wala naman masyadong aayusin dito ngayon." Sagot nya at bumalik ulit sa pagsusulat.

"Salamat po Mam."

Pumunta agad ako sa table na katabi ng table ni Mam Mando kung saan may mga libro.

Pagkatapos kasing manghiram ng libro ay nilalagay ito sa table na'to at ako ang na-assign na magbalik sa pwesto nito sa shelf.

Habang kinukuha ko ang mga libro ay hinanap ng mata ko si Ethan.

Nakita ko syang nakatayo katapat ang isang bookshelf.

Mukhang may hinahanap na libro.

Binalik ko ang tingin ko sa mga libro na ibabalik ko at isa-isang binalik sa shelf.

Pumunta ako sa pwesto Ethan sa shelf sa dulo dahil doon ang pwesto ng huling libro na ibabalik ko.

Pagkalapit ko ay nandoon pa rin sya at mukhang may hinahanap pa din.

Inilagay ko ang librong hawak ko at pinagmasdan syang kunot noong nagbabasa ng isang libro at binalik ulit sa shelf at naghanap ulit.

Mukhang hindi nya napansin ang presensya ko.

"Ethan." Tawag ko sa kanya.

Lumingon sya sa akin.

Nakatingin lang sya at inaantay ang sasabihin ko.

Ayan na naman ang tingin nyang nakakapagpapakaba sa akin.

"A-ah. A-ano.. A-anong hinahanap mo?" Nauutal kong tanong.

Nakaka-intimidate ang kagwapuhan nya.

"I'm looking for a recipe book for cupcakes." Naghanap ulit sya.

Tinulungan ko na din syang maghanap.

Hindi nagtagal ay nakahanap din ako ng recipe.

"Ito!" Tuwang tuwa kong sabi nang makahanap ako.

Binuklat ko ang librong yun at naghanap ng magandang i-bake na cupcakes.

Nakakita ako ng cupcakes na hugis heart.

Ang cute.

"Hazelnut Hearts." Banggit ni Ethan na ikinagulat ko dahil nasa tabi ko na pala sya kaya nabitawan ko yung libro.

Mabilis ko iyong sinalo.

Sinalo din iyon ni Ethan kaya ang kinalabasan ay hawak ko yung libro at nakapatong sa kamay ko ang kamay ni Ethan.

Nagkatinginan kami kaya bumilis ang pintig ng puso ko.

Binitiwan din nya iyon at nag-iwas ng tingin.

Namumula ang tenga nya.

Gusto kong matawa sa ka-kyutan nya habang namumula ang tenga pero di ko nagawa dahil kahit ako ay nahihiya.

"Let's go." Aniya at humakbang palabas ng library.

Sumunod ako sakanya habang dala-dala ang libro at nagpaalam na kay Mrs. Mando.

Sinundan ko lang si Ethan na sa tingin ko ay papunta sa parking lot ng school.

Isang hakbang nya ay dalawang hakbang ko dahil sa haba ng binti nya.

Lakad-takbo ang ginawa ko.

Nang nakarating kami sa parking lot ay may iilang kotse doon.

Kanina pa ang uwian kaya siguro iilan na lang ang nandito.

Namamangha ako sa mga kotse sa gilid ko kaya hindi ko napansin na huminto na pala ang sinusundan kong si Ethan dahilan para mauntog ako sa likod nya.

"Aray!" Sabay himas ko sa ilong ko.

Ang tigas naman kasi ng likod ng lalaking to.

Parang na dislocate ata ang ilong ko.

"Sorry, sorry." Untag ni Ethan nang nagpapanic.

"Hindi, okay lang." Sabi ko sa kanya habang hawak pa rin ang ilong ko.

"You sure?" Seryoso ang mukha nyang nakatingin sa akin.

"Oo."

"Sir, aalis na po ba tayo?" Tiningnan ko ang nagsalita sa loob ng kotse sa likod ni Ethan.

Driver ata nila.

Bumaling sa kanya si Ethan at tumango.

Kulay puti ang kotse sa harapan ko at hindi ko alam ang uri ng kotse na 'yon.

Nakakaawa ang pagiging ignorante ko.

Binuksan ni Ethan ang pinto ng kotse sa likod at sinenyasan akong pumasok.

Sinunod ko iyon at sumunod din si Ethan na umupo.

PossibilitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon