Kabanata II

39 0 0
                                    

Mabilis na dumaan ang mga araw.

Dalawang linggo na kami sa tinutuluyan naming bahay ngayon. So far, ay maayos naman ang dalawang linggong iyon.

Lunes ngayon at ngayon ang first day ko sa bago kong school. Mabuti na lang at nakuha ko ang scholarship na sinabi ni Tita Helen. Kailangan ko lang daw ay mag maintain ng mataas na marka at tumulong sa library.

Dahil kung hindi ako scholar dun ay paniguradong sa public school ang bagsak ko. Hindi kasi afford ni Inay ang babayarang fees doon kapag nagkataon.

Nagising ako ng 6:30 AM. Maaga pa para sa pasok kong 9AM.

Pagkababa ko sa sala ng bahay ay nakita ko si Inay na nagluluto ng longganisa at kanin sa kusina. 7AM-4PM naman ang pasok ni Warren sabi sakin nung magiging teacher nya nung sinamahan ko syang mag enroll kaya siguro si Inay ay nagluluto na ng baon ni Warren.

"Oh Jyn! Nandyan sa mesa sa sala ang mga notebooks at ballpen mo." Nakita ko naman ang mga tinutukoy ni Inay.

"Natanggap ako sa malaking carinderia malapit sa school ni Warren bilang tiga-luto. Ako na ang maghahatid sa kapatid mo pagpasok pati na din pag uwi." Napatango na lang ako sa sinabi ni Mama.

Lumabas na din si Warren ng kwarto nila ni Inay at nagpatulong sa akin sa pagsuot ng kanyang sapatos.

Grade 2 pa lang si Warren. Minsan ay mabait sya sa'kin, pero kadalasan ay pambibwisit ang inaasal nya sa akin. Pag nainis na din sya saakin ay magsusumbong sya kay Inay. Mama's boy.

Umalis na din sina Inay pagkatapos magbihis ni Warren. Naiwan akong nag-aayos ng mga notebooks ko sa bag ko. Chineck ko naman ang cellphone ko at wala man lang mensahe kahit isa. Busy na rin siguro si Coreen dahil pasukan na.

Nanood lang ako ng TV sa sala at nung 7:30 na ay nag ayos na ako para sa pagpasok.

Ni-lock ko na ang bahay at dumiretso na sa gate. Naglakad ako hanggang kanto na sakto lang ang layo sa bahay namin. Pagdating sa kanto ay sumakay na ako ng tricycle at pinaandar naman agad ng driver ang motor ng kanyang tricycle.

Hindi na nya ako tinanong kung saan hihinto, malamang alam na niya na sa Pereste Academy ang tungo ko dahil na din sa suot kong magarang uniporme.

Ang palda ay dark red na may black na hanggang itaas ng tuhod ko. May high sock naman kaya ayos lang. Ang pang itaas ay white long sleeves na may necktie na kakulay ng palda. Hindi naman ako maiinitan dahil air conditioned naman ang school ko.

Kakabigay lang sa akin ng unipormeng ito nang nag enroll ako. Kasama daw ito sa scholarship na kinuha ko.

Nanatili akong nakatayo sa tapat ng malaking gate at sumulyap sa nakasulat sa itaas.

PERESTE ACADEMY.

Dumiretso ako sa parte ng gate sa kanan na may nakasulat na 'Entrance' sa kaliwa naman ay 'Exit'.

Malaki ang pagitan ng magkabilang daanan. Para na rin siguro hindi magtulakan ang mga estudyante.

Chineck ng guard and I.D. ko. Saka ako pinapasok. Inikot ko ang mata ko sa paligid.

Malawak ang school na ito. Walang wala sa dati kong school. May dalawang building na magkahiwalay ng kaunti.

Dalawang building ang may apat na palapag. Ang isa ay para sa Grade 7 at Grade 8. Samantalangang isa ay ang patutunguhan ko. Para sa Grade 9 at 4th years.

May isa pang building na may 3 floors para siguro sa mga teachers at office kung saan ako nag enroll. Samantalang magkatalikod naman ang cafeteria at library. Grabe pala kagara ang private school.

Last year ko na ito bilang high school kaya dapat ay pag igihan ko ang pag-aaral.

Dumiretso ako sa room ko sa ikaapat na palapag sa building para sa juniors at seniors. Kaunti pa lang ang mga estudyante sa building na 'to.

Tiningnan ko ang oras sa cp ko at nakitang 8:16 na. Pagkapasok ko sa nakatakdang room para sa'kin at nakita kong lima pa lang ang tao dun.

Anong oras ba pumapasok ang mga estudyante dito?

Napatingin naman ang ilang kaklase ko sa akin pagkabukas ko ng pinto. Marahil hindi ako pamilyar sa kanila.

Ngumiti ako sa kanila kaya umiwas din sila ng tingin. Umupo ako sa may bandang likod katabi ng bintana.

Mula sa kinauupuan ko ay kitang kita ko ang grounds ng school. Ang lawak.

Hindi ko inaakalang makakapasok ako sa school na tulad nito. Posible palang makapagsuot ako ng magarang uniform. Posible palang makapag-aral ako sa isang sikat na school. Napangiti ako sa mga iniisip ko.

Natigil ang pagmumuni-muni ko at ang pagmasid ko sa baba nang may narinig akong maaarteng tawa mula sa pinto ng classroom.

PossibilitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon